Siniguro ng Department of Foreign Affairs na hindi makakaapekto sa alyansa ng Pilipinas at Thailand ang pagkakasangkot sa gulo sa nasabing bansa ng ilang Filipino transgenders.
Ayon sa DFA, isolated lang naman ang nasabing insidente.
Nagpasalamat naman ang Philippine Embassy sa Bangkok sa Royal Thai Police sa mabilis na pagpapalabas ng resolusyon sa kaso ng Pinoy transgenders.
Kinumpirma naman ng Embahada na sila ang nagbayad ng multa sa mga Pinoy na nasangkot sa gulo sa Thailand.
Una nang dumating sa Pilipinas noong Biyernes ang ilang Pinoy transgender na unang naaresto sa nasabing bansa.
Matatandaan na nagkaroon ng rambol sa pagitan ng Thai at Pinay transgender sa labas ng isang hotel sa Bangkok kung saan nadamay pa ang isang bystander. | ulat ni Lorenz Tanjoco