Residential area sa Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City, nasunog

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nasunog ang isang apat na palapag na bahay sa bahagi ng Nagpayong, Brgy. Pinagbuhatan sa Lungsod ng Pasig ngayong umaga.

Batay sa ulat ng Pasig City Bureau of Fire Protection, alas-5:36 ng umaga nang sumiklab ang naturang sunog na umabot pa sa unang alarma.

Alas-6:12 naman nang ideklarang fire under control ang sunog subalit pahirapan pa rin ang pag-apula rito dahil sa makitid ang mga daan at kasama sa mga nasusunog ay mga gulong gayundin ay tela.

Samantala, bukas na sa mga motorista ang bahagi ng Sandoval Avenue na nasa hangganan ng Brgy. Pinagbuhatan sa Pasig City gayundin ng Brgy. San Juan sa Taytay sa Rizal.

Ito’y matapos isara kanina upang bigyang-daan ang mga rumerespondeng bumbero.

Gayunman, nananatiling mabigat ang daloy ng trapiko sa nabanggit na lugar kaya’t pinapayuhan ang mga motorsita na iwasan muna ito at humanap ng alternatibong ruta. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us