Magpapatuloy ang serbisyo ng local government ng Taguig City sa mga residente ng EMBO barangay partikular sa mga sanggol na bata upang mabigyan ang mga ito ng proteksyon laban sa iba’t ibang mga sakit.
Nagsimula noong ika-13 ng Marso, magsasagawa ang Taguig City Health Office kasama ang mga Barangay Health Workers ng weekly routine immunization sa mga Barangay ng Pembo, Comembo, at Pitogo.
Partikular na bahagi ng routine immunization ang mga sanggol edad 6 weeks to 13 weeks para bigyan ang mga ito ng libreng proteksyon sa mga sakit na:
- BCG
- Hepa B
- Penta
- PCV 10
- OPV
- IPV
- MMR/Measles
Isasagawa ang nasabing libreng pagbabakuna tuwing Miyerkules, mula ala-8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon sa nabanggit na tatlong barangay.
Para sa mga barangay na hindi kabilang sa listahan, maaaring magtungo lamang sa inyong mga catchment health center upang makakuha ng kaparehas na bakuna.| ulat ni EJ Lazaro