Binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez na hindi binabalewala ng pamahalaan ang sakripisyo at serbisyo ng kasundaluhan.
Ito ang inihayag ng House leader sa Luzon leg ng House of Representatives-Armed Forces of the Philippines (AFP) fellowship.
Aniya, susuklian ng pamahalaan ang kanilang sakripisyo sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon silang sapat na kagamitan at pagsusulong ng kanilang kapakanan.
Giit nito na dahil sa kanilang dedikasyon ay nagpapatuloy ang kapayapaan at kaayusan sa ating bansa.
“Your dedication enables the peace and security that allows our nation to thrive. Rest assured, the House of Representatives, and I personally, are unwavering in our commitment to support and honor the sacrifices of our uniformed personnel. Just as you have steadfastly served our nation, we pledge to steadfastly support you,” ani Romualdez
Pinuri at binati rin ni Romualdez ang AFP matapos ang resulta ng isang survey na nag sasabing ang AFP ang isa sa pinaka pinagkakatiwalaan at top performing government agency.
“[AFP] has successfully shed its tarnished image of old. In its place is the image of the model soldier, worthy of the highest respect and trust of the Filipino people. This achievement is a product of everyone’s discipline, dedication to duty and sacrifices. For this, the Armed Forces of the Philippines has my utmost esteem. Congratulations everyone. Do carry on,” sabi pa ng House leader.
Maliban sa AFP modernization program at military and uniformed personnel (MUP) pension system reform, ilan pa sa mga panukala na ikinasa ng Kamara para sa mga sundalo ay ang pagbibigay ng legal assistance at pagtatatag ng high-quality medical clinics sa lahat ng AFP command sa buong bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes