Sinabi ng Sugar Regulatory Administration (SRA) na sapat ang supply ng refined sugar sa bansa sa kabila ng permanenteng pagsasara ng Central Azucarera Don Pedro Incorporated (CADPI) refinery sa Batangas noong February 28.
Ayon kay SRA Administrator Pablo Luis Azcona, naipatupad na ang target ng ahensya na magkaroon ng buffer stock upang mapanatili ang katatagan ng presyo at suplay ng pinong asukal sa merkado.
Ayon sa pinakahuling tala ng Department of Agriculture (DA) Bantay Presyo (price watch), ang retail price range ng refined sugar ay nasa ₱72 hanggang ₱100 kada kilo sa Metro Manila.
Nilinaw ni Azcona na tumigil na ang operasyon ng CADPI noong 2023, na nagdulot ng antala sa supply sa bahagi ng Luzon.
Gayunman, sinabi niya na may mga refineries pa sa Tarlac, Tuguegarao, Bukidnon, at iba pa na makatutulong sa produksyon ng asukal. | ulat ni Jollie Mar Acuyong