Pormal na idineklara ngayong umaga na nasa ilalim na ng estado ng “Stable Internal Peace and Security” (SIPS) ang mga bayan ng Looc at Lubang sa Occidental Mindoro.
Ang pormal na deklarasyon ay pinangunahan ng mga Punong Bayan ng dalawang munisipyo na sina Lubang Mayor Michael Lim Orayani, at Looc Mayor Marlon V. Dela Torre sa Lubang Town Plaza kaninang alas-9 ng umaga.
Nakibahagi sa makasaysayang okasyon ang mga kinatawan ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), Department of Interior and Local Government (DILG), at iba pang ahensya ng pamahalaan at tagapagtaguyod ng seguridad.
Kabilang sa mga ito sina: 203rd Infantry “Bantay Kapayapaan” Brigade Commander Brig. General Randolph G. Cabangbang PA; PNP Area Police Command(APC) Southern Luzon Commander PLt. Gen. Rhoderick C. Armamento; Police Regional Office (PRO) Mimaropa Regional Director Police BGen. Roger L. Quesada; at DILG MIMAROPA Assistant Regional Director, Mr. Rey S. Maranan, CESO IV.
Ayon kay BGen. Cabangbang, ipinapakita ng makabuluhan at makasaysayang kaganapan, ang dedikasyon sa pag-unlad at pagkakaisa ng komunidad na makamit ang tunay na kapayapaan. | ulat ni Leo Sarne
📷: BGen. Cabangbang