Suplay boat ng Pilipinas, matagumpay na nakarating sa BRP Sierra Madre sa kabila ng pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa kabila ng panghaharang at panghaharass ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng Pilipinas na Unaizah May 4 sa Ayungin shoal, matagumpay na narating nito ang BRP Sierra Madre sa West Philippine Sea

Sa ulat ng Armed Forces of the Philippines ,anim na miyembro ng Philippine Navy at mga mahahalagang kargamento ang nailipat mula sa Unaizah May 4 at BRP Cabra (MRRV 4409) patungo sa BRP Sierra Madre ng RHIB bago magtanghali kanina.

Dumating ang mga ito na magkatabing nakatali sa starboard side ng LS57 dakong alas 11:59 ng umaga.

Nagkaroon ng matinding pinsala ang Unaizah May 4 supply boat dahil sa patuloy na pambobomba ng water cannons mula sa CCG vessels.

Makikita sa video ang direktang pambobomba ng tubig ng Chinese Coast Guard sa supply boat ng Pilipinas.

Nagawa naman ng BRP Cabra na magmaniobra at makarating sa Unaizah Mayo 4 para tulungan ito matapos magtamo ng malaking pinsala.

Ala sais otso ng umaga kanina ng magsagawa ng dangerous maneuver ang China Coast Guard vessel BN 21551 sa Barko ng Pilipinas para sa rotational at resupply mission sa mga sundalong nakatalaga sa BRP Siera Madre.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us