Pormal na manunungkulan ang magiging kapalit ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa Marso 27.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, sa naturang petsa isasagawa ang Change of Command ceremony para sa magiging susunod na PNP Chief bago magwakas ang term-extension ni Gen. Acorda sa Marso 31.
Inaantabayanan din aniya ng PNP ang desisyon ng Pangulo kung sino ang kanilang magiging susunod na pinuno.
Paliwanag ni Fajardo, lahat ng Brigadier General pataas ay kwalipikadong maging PNP Chief, at ang mga miyembro ng Command Group ay awtomatikong kinokonsidera dahil sa kanilang seniority.
Pero binigyang diin ni Fajardo na ultimong nakabase ito sa desisyon ng Pangulo. | ulat ni Leo Sarne