Asahan ng mga motorista ang taas-singil sa toll fee ng Muntinlupa-Cavite Expressway (MCX) simula bukas, araw ng Lunes, March 18.
Ang nagsabing pagtaas ay ipapatupad matapos bigyan ng go signal ng Toll Regulatory Board (TRB) ang collection para sa second tranche ng toll rate adjustment sa MCX.
Kaya simula bukas may dagdag na pisong singil para sa mga Class 1 vehicles, P2 para sa Class 2, at P3 para sa Class 3 o katumbas ng bagong singil sa P19 sa Class 1, P39 sa Class 2, at P58 para sa Class 3 vehicles.
Tinagurian bilang shortest toll road sa bansa na may habang apat na kilometro, ang MCX ay bumabaybay mula sa Daang Hari at Daang Reyna at kumokonekta sa Susana Heights sa South Luzon Expressway (SLEX).| ulat ni EJ Lazaro