Nalantad na umano ang tunay ng mukha ng lungsod ng Taguig.
Ito ang iginiit ng pamahalaang lungsod ng Makati matapos maglabas ng Closure Order ang Taguig LGU para sa Makati Park.
Ayon sa pamahalaang lungsod ng Makati, inaangkin ng Taguig ang hindi sa kanila at binabaluktot ang batas.
Inakusahan din ng Makati LGU, ang Taguig ng paggamit ng dahas para sa sinasabing pagkamkam ng pag-aari ng iba.
Matatandaan na kahapon ay naglabas ng Closure Order ang Taguig LGU sa Makati Park dahil sa kawalan umano nito ng business permit.
Agad nai-padlock ang nasabing parke pasadong alas-6 ng umaga kung saan ilang empleyado ng Makati ang naiwan sa loob nito.
Base umano sa Taguig, ginagawang garahe ng Makati ang nasabing parke dahilan kaya kailangan munang humingi ng permit sa Taguig.
Itinanggi naman ito ng Makati. | ulat ni Lorenz Tanjoco