Na-nutralisa ng mga tropa ang isang miyembro ng New Peoples Army at na-rekober ang tatlong malalakas na baril sa Joint Focused Military Operation ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Barangay Bagacay Palapag, Northern Samar.
Inilunsad ang operasyon nitong Lunes ng gabi matapos na makatanggap ng impormasyon ang militar na may ilang armadong kalalakihan na namataan sa nabanggit na barangay.
Matapos ang serye ng enkwentro, narekober ng mga tropa ang bangkay ng nasawing NPA, tatlong high-powered firearms, dalawang international humanitarian law-banned anti-personnel mine, medical paraphernalia, mga subersibong dokumento, at iba pang gamit pandigma.
Patuloy na tinutugis ng mga tropa ang nagsitakas na kalaban, na pinaniniwalaang nagtamo ng maraming casualty batay sa mga bakas ng dugo na naiwan sa dinaanan ng mga ito.
Binati naman ni JTF Storm at 8th Infantry Division Commander Major General Camilo Ligayo ang mga tropa sa matagumpay na operasyon, na aniya’y bahagi ng pagsisikap ng militar na protektahan ang mga baranggay sa pagtatangka ng NPA na muling bumangon. | ulat ni Leo Sarne
📸: 8ID