Nagsagawa ng tradisyonal na Pabasa ng Pasyon ang Immaculate Conception Cathedral sa Pasig City ngayong Lunes Santo.
Bahagi ito ng mga tradisyon at pagpapamalas ng pananampalataya ng mga Katoliko sa tuwing sumasapit ang Semana Santa.
Nagsimula noong ika-16 na siglo ang Pabasa ng Pasyon na isang uri ng Korido o pag-awit sa isang tula na nagsasalaysay ng buhay ni Hesukristo.
Tampok dito ang kuwento ng kaniyang pagsilang, pangangaral, paghihirap, kamatayan, at muling pagkabuhay na hango naman sa mga sitas sa Banal na Kasulatan o ang Bibliya.
Kasunod nito, may hamon naman ang isang obispo ng Simbahang Katolika sa mga mananampalataya ngayong Semana Santa.
Ayon kay Diocese of Pasig Bishop, Mylo Hubert Vergara, dapat gamitin ng mga Katoliko ang panahon ng Semana Santa upang magsakripisyo at pagbabago. | ulat ni Jaymark Dagala