“Travel safe”, paalala ng PNP Chief sa mga bibiyahe sa darating na Holy Week

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaalalahanan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga magtutungo sa mga lalawigan at bakasyunan sa darating na Semana Santa, na maging ligtas sa pagbiyahe.

Ang paalala ay ginawa ng PNP Chief bago magpulong sa Camp Crame ngayong araw ang mga opisyal ng PNP, Department of Transportation (DOTr), Department of Tourism (DOT), Office of Civil Defense (OCD), Land Transportation Office (LTO), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Manila International Airport Authority (MIAA), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG), at Bureau of Fire Protection (BFP).

Tinalakay sa inter-agency conference ang mga preparasyon ng pamahalaan para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko sa mahabang bakasyon sa susunod na Linggo.

Sa panahong ito, inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga terminal, pantalan, at paliparan; gayundin ang pagsisikap ng daloy ng trapiko sa mga daan patungo sa mga lalawigan.

Una nang sinabi ni Gen. Acorda, na 34,000 pulis ang ide-deploy ng PNP sa buong bansa kasama 7,000 tourist police para mapangalagaan ang kaligtasan ng publiko. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us