US$1-B investment ng US Trade and Investment mission, nagpapakita ng kumpiyansa sa ekonomiya ng Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapurihan ni Speaker Martin Romualdez ang anunsiyo ng US Trade and Investment mission na maglalagak ito ng nasa US$1 billion sa bansa.

Ani Romualdez, pagpapakita ito ng tiwala at kumpiyansa nila sa ekonomiya ng Pilipinas, at sa strategic at dynamic na pamumuno ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon mismo kay US Secretary of Commerce Gina Raimondo, kabilang sa mga pamumuhunan ay sa sektor ng enerhiya, digital upskilling, at education, partikular sa artificial intelligence at cybersecurity.

“Under the President’s guidance, the Philippines has embarked on a series of diplomatic and business-oriented initiatives, including his strategic foreign trips and the introduction of the Maharlika Investment Fund, aimed at attracting global investors and cementing our nation’s status as a prime investment destination,” ani Romualdez.

Dagdag din ni Romualdez, na magandang timing ang anunsiyo ng investment plans sa pagtalakay ng panukalang amyenda sa economic provisions ng Saligang Batas, upang gawing mas investor-friendly ang Pilipinas.

“These legislative measures are crucial in creating a conducive environment for foreign investments and in demonstrating our commitment to sustainable and inclusive growth,” paliwanag niya.

Inaasahan na aabot ng 30 milyong Pinoy ang mabibigyan ng educational opportunity sa pamamagitan ng digital at AI upskilling program, kasama dito ang 100,000 Filipina na hahasain sa ilalim ng pagtutulungan ng Microsoft at TESDA

Kinilala din ng House leader, ang nakatakdang pagtatatag ng electric vehicle education center at pamumuhunan sa solar at nuclear energy projects maliban pa sa bagong airline route pa-Cebu

Mga bagay na makapagbibigay ng trabaho, mas magandang ekonomiya at mas maayos na buhay para sa mga Pilipino.

“The Philippine government remains resolute in its mission to build a stronger, more resilient, and more inclusive economy. We are eager to continue our collaboration with our American counterparts and welcome more investments that will contribute to our shared goals of prosperity and development,” ani Romualdez

Nagpaabot din ng pasasalamat si Romualdez kay US President Joe Biden sa personal na pagpili ng delegasyon ng trade mission, na nagpapakita aniya ng sinseridad na tulungan ang Pilipinas pagdating sa economic at social development.

Makakaasa naman aniya ang Pangulong Marcos Jr. na patuloy na susuportahan ng Kamara ang kaniyang mga inisyatiba para mapalakas ang bilateral relations sa ibang mga bansa lalo na sa kalakalan, pamumuhunan at ekonomiya.

“President Marcos Jr.’s diplomatic initiatives and various trips abroad since taking office in the second half of 2022 have been marked by a consistent effort to attract more investments from our foreign partners” saad pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us