Bilang pakikiisa sa Buwan ng mga Kababaihan, iba’t ibang aktibidad ang inihanda ng Valenzuela local government kung saan bida ang mga kababaihan.
Ngayong araw, sinimulan ang pagbubukas ng Women’s Month sa isang Zumba for Wellness, Equality and Sensitivity at Bazaar na isinagawa sa Valenzuela City People’s Park Ampitheater.
Mayroon ding Oplan Bigay Lunas o libreng gamutan para sa mga kababaihan na gaganapin sa Disiplina Village sa Barangay Ugong.
Magkakaroon din ng mga seminar at workshop sa iba’t ibang usapin kabilang ang Anti-Bastos Law, pagtugon sa Gender Abuse Cases, Postpartum mental health para sa mga bagong ina.
Tema ng pagdiriwang ngayong taon ng Women’s Month ang “Lipunang Patas sa Bagong Pilipinas: Kakayahan ng Kababihan, Patunayan!” | ulat ni Merry Ann Bastasa