Bumaba pa sa ₱48 ang presyo sa kada kilo ng well-milled rice na nabibili ngayon sa Pasig City Mega Market.
Ayon sa mga may-ari ng bigasan, nakakaya na nilang magbaba ng presyo dahil bukod sa pagdating ng imported na bigas ay may ilang sakahan na ang nag-aani.
Dahil sa bagong ani, sinabi ng mga nagtitinda ng bigas na kailangan na nilang ibenta kaagad ito kahit sa murang halaga upang hindi naman maapektuhan ang kalidad nito.
Kadalasan kasi sa mga bagong ani na bigas, nagbabago ang kulay kapag na-iimbak sa mga kamalig.
Bagaman may ilang mamimili ang naghahanap ng semi-laon dahil sa nasanay na sa maalsang bigas, may ilan pa rin naman anila ang naghahanap ng bagong ani dahil sa mabango ito kahit hindi gaanong maalsa. | ulat ni Jaymark Dagala