Nasabat ng mga awtoridad ang humigit-kumulang 30 gramo na tinatayang nasa ₱204,000 na halaga ng hinihinalang shabu mula sa 29-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation nitong Biyernes, Abril 12 sa isang hotel sa Iligan City.
Batay sa ulat, narekober sa suspek ang apat (4) na large size, at dalawang (2) medium size na mga sachet ng hinihilalang shabu.
Ang suspek ay kasal at residente ng Zone 2, Purok Kalatsutchi, Barangay Hinaplanon, Iligan City.
Pinangunahan ito ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) – Region 10 at Iligan City Police Office (ICPO). | ulat ni Sharif Timhar | RP Iligan
📸: Iligan City Police Office