Natapos na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) Bicol ang P48 milyong halaga ng seawall project mula sa 2023 General Appropriations Act (GAA) nito sa Barangay Lanot, bayan ng Mercedes, Camarines Norte.
Ayon kay DPWH Bicol Director Virgilio C. Eduarte, kasama sa pagtatapos ng coastal infrastructure project ang pagtatayo ng rubble concrete at stone masonry na may steel bars upang matiyak ang katatagan nito.
Dagdag niya, umaabot sa 130-linear meter ang nasabing proyekto na hindi lamang magpoprotekta laban sa pagbaha kundi magpapagaan din ng sistema ng transportasyon partikular na sa mga produktong pandagat para sa mga residenteng naninirahan sa nasabing lugar.
Ang proyektong seawall ay naglalayong pigilan ang panganib ng pagbaha, pangangalaga sa likas na kagandahan ng baybayin, at pagpapalakas sa paglago ng ekonomiya ng komunidad. | ulat ni Gary Carl Carillo | RP Albay
📷: DPWH Bicol