Dating ng mga pasahero sa BFCT, matumal pa rin kahit balik-trabaho na ang marami buhat sa Holy Week break

Nananatiling matumal ang dating ng mga bus sa BFCT Marikina City ngayong unang araw ng trabaho matapos ang Holy Week Break. Ayon sa ilang mga Bus Operator dito ay dahil sa Cubao o sa PITX na nagbababa ng pasahero ang kanilang mga bus bago naman gumarahe rito. Gayunman, mula pa kaninang madaling araw ay nangilan-ngilang… Continue reading Dating ng mga pasahero sa BFCT, matumal pa rin kahit balik-trabaho na ang marami buhat sa Holy Week break

Automated cashless toll collection, dapat nang maisabatas para iwas-traffic jam sa mga tollway — isang solon

Nanawagan si Bagong Henerasyon Party-list Representative Bernadette Herrera para sa kagyat na pagsasabatas ng panukala para sa automated cashless toll collection. Sa gitna ito ng mabigat na daloy ng trapiko na naranasan sa expressways nitong Holy Week. Sa ilalim ng House Bill 8161 ng mambabatas itinutulak ang pagkakaroon ng makabagong toll systems gaya ng Open… Continue reading Automated cashless toll collection, dapat nang maisabatas para iwas-traffic jam sa mga tollway — isang solon

Single Ticketing System, ipatutupad na rin sa Malabon simula ngayong araw

Simula ngayong lunes, April 1, 2024 ay epektibo na rin ang Single Ticketing System sa lungsod ng Malabon. Sa inilabas na abiso ng Malabon LGU, pangungunahan ng Public Safety and Traffic Management Office ang pagpapatupad ng polisiya alinsunod na rin sa City Ordinance #03-2023 na nag-aadopt sa MMDA Resolution No. 23-02 kaugnay ng Single Ticketing… Continue reading Single Ticketing System, ipatutupad na rin sa Malabon simula ngayong araw

85 milyong Pinoy, nagparehistro na sa Philsys

Patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga Pilipinong nagparehistro na sa Philippine Identification System (PhilSys). Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), kabuuang 85.2-milyong Pinoy na ang PhilSys-registered as of March 15. Itinuturing itong tagumpay ni National Statistician and Civil Registrar General PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa na nagpapakita ng patuloy na suporta ng mamamayan sa… Continue reading 85 milyong Pinoy, nagparehistro na sa Philsys

LTFRB, magsusumite na ng rekomendasyon sa Kongreso hinggil sa MC Taxi service sa Mayo

Ititigil na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Motorcycle Taxi expansion o ang pagpapadami pa ng bilang ng mga motorcycle taxi na papasada sa kalsada. Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz, head ng Technical Working Group para sa pilot study ng MC Taxi service sa bansa, magsusumite na sila ng rekomendasyon sa… Continue reading LTFRB, magsusumite na ng rekomendasyon sa Kongreso hinggil sa MC Taxi service sa Mayo

E-motorbikes pabibilisin ang gov’t vision para sa green traffic; mahalagang maisama sa tax incentives — DOE

Binigyang-diin ng Department of Energy (DOE) ang kahalagahan ng pagkakaloob ng tax incentives sa e-motorcycles dahil sa napatunayang kontribusyon nito sa pagbabawas ng carbon emissions. Ayon kay Andre Reyes, isang science research specialist mula sa DOE, ang e-motorcycles ay mahalaga sa pagtulong sa bansa sa paglipat sa electric vehicles dahil ang transportasyon ay patuloy na… Continue reading E-motorbikes pabibilisin ang gov’t vision para sa green traffic; mahalagang maisama sa tax incentives — DOE

‘Danger Level’ Heat Index, bubungad sa ilang lalawigan sa bansa ngayong unang araw ng Abril

Inaasahang makararanas ng mas mainit na temperatura gayundin ang ‘danger level’ na heat index ang ilang lugar sa bansa ngayong unang araw ng Abril. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng umabot sa 43°C ang heat index sa dalawang lugar sa bansa. Kabilang dito ang Aparri, sa Cagayan at Catarman sa bahagi ng Northern… Continue reading ‘Danger Level’ Heat Index, bubungad sa ilang lalawigan sa bansa ngayong unang araw ng Abril

Philippine Ports Authority, tuloy pa rin sa serbisyo kahit tapos na ang Holy Week

Tiniyak ng Philippine Ports Authority na magpapatuloy ang kanilang serbisyo sa mga byahero kahit tapos na ang Semana Santa. Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, hindi natatapos sa Kwaresma ang trabaho nila para paglingkuran ang publiko. Bagamat inaasahan nila ang pagbaba ng mga byahero matapos ang Holy Week, hindi naman daw maisasantabi na mayroon… Continue reading Philippine Ports Authority, tuloy pa rin sa serbisyo kahit tapos na ang Holy Week

Biyahe ng LRT-2, balik normal na rin matapos ang Holy Week break

Balik normal na rin ang biyahe ng Light Rail Transit o LRT line 2 ngayong unang araw ng trabaho matapos ang mga Semana Santa. Sa LRT-2 Santolan Station sa Marikina City, pabugsu-bugso na ang dating ng mga pasahero lalo na iyong mga papasok ng trabaho. Gayunman, mas dagsa ang mga pasahero sa Antipolo Station dahil… Continue reading Biyahe ng LRT-2, balik normal na rin matapos ang Holy Week break

PhilHealth member portal, bahagi na ng e-GovPH Super App

Maaari nang ma-access sa pamamagitan ng eGovPH Super App ang member portal ng Philippine Health Insurance Corporation o PhilHealth. Ito ang inanunsyo ng State Health Insurer na layong mapadali pa lalo ang access ng kanilang mga miyembro alinsunod na rin sa panawagang digitalization ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang eGovPH Super App ay isang… Continue reading PhilHealth member portal, bahagi na ng e-GovPH Super App