Mga pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Ortigas, Mandaluyong area, dagsa nang muli

Maagang dumagsa ang mga pasahero na nag-aabang ng masasakyan sa EDSA Bus Carousel station sa bahagi ng Ortigas sa Mandaluyong City. Ito’y dahil sa maraming bilang ng manggagawa ang balik-trabaho na matapos ang bakasyon sa mga probinsya nitong nakalipas na Semana Santa. Madaling araw pa lamang, mahaba na ang pila ng mga pasahero na sunod-sunod… Continue reading Mga pasahero sa EDSA Bus Carousel sa Ortigas, Mandaluyong area, dagsa nang muli

Paggunita sa Semana Santa, naging mapayapa — Coast Guard 

Pinuri ni Philippine Coast Guard Admiral Ronnie Gavan ang kanyang mga tauhan sa dedikasyon sa trabaho para matiyak ang matiwasay na paggunita ng Semana Santa.  Sa mensahe ngayong umaga sa mga Coast Guard Personnel, pinasalamatan niya ang ipinamalas na trabaho ng kanyang mga tauhan para masiguro ang payapa at ligtas na paglalakbay ng mga byahero. … Continue reading Paggunita sa Semana Santa, naging mapayapa — Coast Guard 

Ilang bahagi ng NLEX, nakaranas pa rin ng bahagyang pagbagal ng mga sasakyan ngayong umaga

May bahagyang pagbagal ng mga sasakyan sa ilang bahagi ng North Luzon Expressway (NLEX) dahil sa mga motoristang bumibyahe pa rin papasok ng Metro Manila matapos ang Holy Week break. Batay sa monitoring ng NLEX-SCTEX, as of 6am ay may bahagyang volume ng mga sasakyan sa bahagi ng Ciudad de Victoria (CDV) Southbound kaya nasa… Continue reading Ilang bahagi ng NLEX, nakaranas pa rin ng bahagyang pagbagal ng mga sasakyan ngayong umaga

MRT-3, balik operasyon na matapos ang Holy Week maintenance

Simula ngayong Lunes, April 1 ay balik na muli sa normal nitong operasyon ang buong linya ng MRT-3 para serbisyuhan ang mga pasaherong back to school at back to work na ngayong araw. Sa inilabas na abiso ng tren, ang unang biyahe ay balik sa 4:30 AM mula sa North Avenue Station, at 5:05 AM… Continue reading MRT-3, balik operasyon na matapos ang Holy Week maintenance

Investment missions ni PBBM, nagbubunga na ayon sa isang mambabatas matapos ang positibong assessment ng HSBC Global Research

Unti-unti nang nagbubunga ang mga investment mission ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula sa kaniyang mga biyahe sa ibang bansa. Ito ang tinuran ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. kasunod ng pinakahuling assessment ng HSBC Global Research na bumubuti na ang lagay ng investment environment ng Pilipinas. Aniya nararamdaman na ang positibong… Continue reading Investment missions ni PBBM, nagbubunga na ayon sa isang mambabatas matapos ang positibong assessment ng HSBC Global Research

Paggunita sa Semana Santa, pangkalahatang naging mapayapa — PNP; Oplan SumVac, pagaganahin na ngayong araw

Generally peaceful kung ituring ng Philippine National Police (PNP) ang paggunita ng sambayanang Pilipino sa Semana Santa. Ito ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo kasunod ng kanilang pagbabantay buhat noong March 25, Lunes Santo hanggang kahapon, Linggo ng Pagkabuhay. Bagaman hanggang ngayon na lamang ang heightened alert status ng… Continue reading Paggunita sa Semana Santa, pangkalahatang naging mapayapa — PNP; Oplan SumVac, pagaganahin na ngayong araw

Retirement honors para kay outgoing PNP Chief Acorda, tuloy na ngayong araw

Pormal nang mamamaalam si Police General Benjamin Acorda Jr. bilang ika-29 na pinuno ng Philippine National Police (PNP) ngayong araw Ito’y matapos ang tatlong buwang extension na ibinigay sa kaniya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pamunuan ang mahigit sa 200,000 miyembro ng Pambansang Pulisya. Isasagawa ang retirement honors para kay Acorda sa Transformation… Continue reading Retirement honors para kay outgoing PNP Chief Acorda, tuloy na ngayong araw

Mahigit 1,000 Master Case ng di dokumentadong sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy sa Saranggani

Nasabat ng Philippine Navy ang 1,070 Master Case ng hindi dokumentadong sigarilyo sa karagatan ng Batulaki, Glan, Sarangani nitong Sabado. Nagsasagawa ng maritime patrol ang Multi-Purpose Attack Craft (MPAC) BA 492, ng 4th Boat Attack Division sa ilalim ng Naval Task Force 71 ng Naval Forces Eastern Mindanao, Philippine Navy, nang mamataan ang isang kahina-hinalang… Continue reading Mahigit 1,000 Master Case ng di dokumentadong sigarilyo, nasabat ng Philippine Navy sa Saranggani

29 nasawi sa pagkalunod nitong Semana Santa

Nasa 29 na indibidwal ang nasawi sa 34 na insidente ng pagkalunod nitong Semana Santa. Base Ito sa datos ng Philippine National Police (PNP) mula March 27 nang magsimula ang “Holy Week Break” hanggang kahapon, March 31. Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Police Colonel Jean Fajardo, karamihan sa mga nasawi ay mula sa… Continue reading 29 nasawi sa pagkalunod nitong Semana Santa