Naitalang kaso ng rabies sa ilang baka at baboy, di dapat ikaalarma — DA

Nakatutok na ang Department of Agriculture (DA) sa napaulat na kaso ng rabies sa ilang baka at baboy sa bansa. Ito ang tiniyak ni DA Assistant Secretary Constante Palabrica matapos na makumpirmang may anim na baboy at tatlong baka na kinagat ng aso ang nagpositibo sa rabies sa Marinduque. Paliwanag nito, hindi nakakaalarma ang kasong… Continue reading Naitalang kaso ng rabies sa ilang baka at baboy, di dapat ikaalarma — DA

Presyo ng karneng baboy sa Marikina Public Market, bumaba ng ₱10

Bumaba pa ng ₱10 ang presyo ng karneng baboy sa Marikina Public Market, tatlong araw matapos ang Semana Santa. Gayunman, sinabi ng mga nagtitinda ng baboy na bagaman magandang balita ito para sa mga konsyumer ay nananatili pa ring matumal ang bentahan nito. Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱295 hanggang ₱315 ang presyo… Continue reading Presyo ng karneng baboy sa Marikina Public Market, bumaba ng ₱10

Pasok ng mga estudyante sa Valenzuela, inilipat sa umaga sa buong buwan ng Abril

Inanunsyo ni Valenzuela Mayor Wes Gatchalian ang pagpapatupad ng blended learning sa mga pampublikong paaralan sa lungsod sa buong buwan ng Abril bilang pag-iingat sa mainit na panahon. Ayon sa alkalde, matapos itong makipagpulong sa Department of Education (DepEd), Schools Division Office, Valenzuela Association of Private Schools, at pamunuan ng nga kolehiyo sa lungsod ay… Continue reading Pasok ng mga estudyante sa Valenzuela, inilipat sa umaga sa buong buwan ng Abril

Apat na LGU sa Cebu nagdeklara ng suspensiyon ng F2F classes sa mga paaralan dahil sa nararanasang init ng panahon

Nag-anunsiyo kagabi ng suspensiyon ng face to face classes sa mga pampublikong paaralan bunsod ng nararanasang init ng panahon ang apat na lokal na pamahalaan dito sa Cebu. Unang nag-anunsiyo ng suspensiyon ng pasok ang bayan ng Minglanilla sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan. Ayon kay Mayor Rajiv Enad simula ngayong araw,… Continue reading Apat na LGU sa Cebu nagdeklara ng suspensiyon ng F2F classes sa mga paaralan dahil sa nararanasang init ng panahon

5 lugar sa bansa, posibleng makapagtala ng mataas na heat index ngayong araw

Posibleng patuloy na maranasan ang mataas na heat index o alinsangan sa limang lalawigan sa bansa ngayong Miyerkules, April 3. Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo hanggang sa 42°C ang heat index na maramdaman sa Aparri, Cagayan; Pili, Camarines Sur; Dumangas, Iloilo; Catarman, Northern Samar, at Guiuan, Eastern Samar. Pasok ito sa… Continue reading 5 lugar sa bansa, posibleng makapagtala ng mataas na heat index ngayong araw

Certificate of renewal ng mga OFWs abroad, pwede nang gawin online — TESDA

Bilang pagpapakita ng agarang tulong at serbisyo sa mga Overseas Filipino Workers na nasa abroad ay gumawa ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ng paraan para ma-renew ng mga ito ang kanilang mga expired na National Certificates (NC) at Certificates of Competency (CoC).  Sa anunsyo ng TESDA, bukas (open) na kasi ang online renewal… Continue reading Certificate of renewal ng mga OFWs abroad, pwede nang gawin online — TESDA

LRT-1, may bagong general manager

Nagpatupad ng balasahan ang pamunuan ng Light Rail Manila Corporation sa mga top executives nito.  Epektibo ngayong buwan ng Abril, ang bagong mga posisyon ng mga pinuno ng private operator ng LRT-1.  Uupo bilang bagong general manager nito si Enrico Benipayo na dating chief operating officer nito kung saan ito ang mangunguna sa pang-araw-araw na… Continue reading LRT-1, may bagong general manager

Kampanya ng CAAP, naging maayos 

Naging matagumpay ang Oplan Byaheng Ayos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong nakalipas na Semana Santa.  Ayon kay Eric Apolonio, tagapagsalita ng CAAP, wala silang naitang untoward incident nitong nakalipas na linggo dahilan kaya nila itinuturing na tagumpay ang kanilang Oplan Byaheng Ayos. Maliban dito ay namigay din aniya ang CAAP ng… Continue reading Kampanya ng CAAP, naging maayos 

Senior Citizen Party-list solon, pinuri ang Lungsod ng Maynila sa pagsusulong ng patas na oportunidad sa trabaho para sa mga nakatatanda

Kinilala ni House Committee on Senior Citizens Chair at Senior Citizen Party-list Representative Rodolfo Ordanes ang hakbang ng Manila LGU na magbigay ng trabaho sa mga senior citizens at persons with disabilities. Kasunod ito ng nilagdaang kasunduan ng pamahalaang lungsod at isang kilalang fast food chain para maglaan ng employment opportunity sa mga nakatatanda at… Continue reading Senior Citizen Party-list solon, pinuri ang Lungsod ng Maynila sa pagsusulong ng patas na oportunidad sa trabaho para sa mga nakatatanda

House Defense Panel chair, suportado ang EO na magpapalakas sa maritime security, maritime domain awareness ng Pilipinas

Inihayag ni House Committee on National Defense and Security Chair at Iloilo Representative Raul Tupas ang buong suporta sa inilabas na Executive Order No. 57 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Nilalayon ng EO na palakasin ang maritime security at maritime domain awareness ng Pilipinas sa gitna ng panggigipit ng China sa West Philippine Sea… Continue reading House Defense Panel chair, suportado ang EO na magpapalakas sa maritime security, maritime domain awareness ng Pilipinas