PCSO, namahagi ng tulong para sa 15 paaralan sa Sorsogon City

Nagbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstake Office (PCSO) sa Lungsod ng Sorsogon. Sa isang turnover ceremony na pinanguhan ni PCSO General Manager Mel Robles kasama ang iba pang opisyal ng ahensya, ipinagkaloob ang tulong sa naturang lungsod na tinanggap ni Sorsogon City Mayor Maria Ester Hamor sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.… Continue reading PCSO, namahagi ng tulong para sa 15 paaralan sa Sorsogon City

Pag atake ng “heat stroke” sa mga PDL, mahigpit na binabantayan sa QC Jail

Mahigpit nang binabantayan ng Quezon City Jail Male Dormitory ang kondisyon ng kalusugan ng mga Person Deprived of Liberty ngayong tumitindi ang mainit na panahon. Ayon kay QCJMD Jail Warden, JSupt Warren Geronimo, partikular na tinututukan ng jail facility ang heat stroke na posibleng maranasan sa loob ng jail. Regular nang isinasagawa ang health education… Continue reading Pag atake ng “heat stroke” sa mga PDL, mahigpit na binabantayan sa QC Jail

Claim ng China na sinisira ng Pilipinas ang sarili nating bahura, pinalagan ni Senador Francis Tolentino

Ipinahayag ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairman Senador Francis Tolentino na walang katotohanan ang sinabi ng China na sinisira ng Pilipinas ang sarili nating yamang-dagat sa West Philippine Sea. ito ang sagot ng senador sa naging pahayag ng pahayagan ng communist party of China, na the global times, na naglagay umano… Continue reading Claim ng China na sinisira ng Pilipinas ang sarili nating bahura, pinalagan ni Senador Francis Tolentino

Pagkakaroon ng Heat Index Warning Signal, gaya ng sa mga bagyo, hirit ng isang mambabatas sa PAGASA

Gaya ng pagkakaroon ng typhoon warning signals, iminungkahi ngayon ni Valenzuela Rep. Eric Martinez na maglagay din ng Heat Index Warning ang PAGASA sa gitna ng nararanasang mainit na panahon. Matatandaan na una nang inudyukan ng mambabatas ang PAGASA na magkaroon ng protocol pagdating sa panahon ng tag-init gaya nang sa tag-ulan at hayaan na… Continue reading Pagkakaroon ng Heat Index Warning Signal, gaya ng sa mga bagyo, hirit ng isang mambabatas sa PAGASA

Komprehensibong risk action plan para sa lugar ng paggawa ngayong tag-init, pinasisiguro ng isang mambabatas

Hinikayat TUCP- party-list Rep. Raymond Democrito Mendoza ang mga employers na bigyang prayoridad ang Comprehensive Heat Risk Action Plan. Ayon sa mambabatas, mayroon nang inilabas na Labor Advisory ang DOLE na naglalatag ng mga hakbang para protektahan ang mga manggagawa mula sa heat stress. Paalala ng mambabatas, isang shared moral responsibility na protektahan ang mga… Continue reading Komprehensibong risk action plan para sa lugar ng paggawa ngayong tag-init, pinasisiguro ng isang mambabatas

PNP, nakipag-ugnayan na sa STI para sa modernisasyon ng kanilang hanay

Umaaksyon na ang pamunuan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Rommel Francisco Marbil sa commitment nitong imodernisa ang kanilang hanay.  Sa unang linggo pa lamang ng panunungkulan ni Marbil bilang hepe ng pambansang kapulisan ay nakipag-ugnayan na agad ito sa pamunuan ng STI College, isang kilalang technology school sa bansa. Mismong si acting PNP… Continue reading PNP, nakipag-ugnayan na sa STI para sa modernisasyon ng kanilang hanay

Pangulong Marcos, muling siniguro ang patas na paglilitis kina Pastor Quiboloy at dating Cong. Teves

Muling siniguro ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patas na paglilinis para kina Pastor Apollo Quiboloy at dating Cong. Arnie Teves na nahaharap sa iba’t ibang kaso sa bansa. Sa isang ambush interview sa Bacolod City, sinabi ng Pangulo na paiiralin rin ng pamahalaan ang pagmamalasakit kay Pastor Quiboloy na matagal na niyang kakilala.… Continue reading Pangulong Marcos, muling siniguro ang patas na paglilitis kina Pastor Quiboloy at dating Cong. Teves

MRT-3, may handog na libreng sakay sa lahat ng pasahero bukas

Inanunsiyo ng pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) Line 3 na maghahandog ito ng “libreng sakay”para sa lahat ng mga pasahero ng tren bukas, Abril 9, bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Araw ng Kagitingan. Sa abiso ng MRT-3, libreng makakasakay ang mga pasahero sa peak hours ng operasyon ng linya mula alas-7 hanggang alas-9 ng… Continue reading MRT-3, may handog na libreng sakay sa lahat ng pasahero bukas

Higit 2,000 agrarian reform beneficiaries sa Negros Occidental, napagkalooban na ng land titles

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ngayong araw (April 8) ang pamamahagi ng higit 4,000 certificate of land ownership award, at higit 2,000 electronic titles sa mga benepisyaro sa Negros Occidental. Sabi ng Pangulo, patunay lamang ito ng commitment ng pamahalaan sa pagtupad sa pangako na maipamahagi ang mga lupang sakahan sa mga Pilipinong… Continue reading Higit 2,000 agrarian reform beneficiaries sa Negros Occidental, napagkalooban na ng land titles

3 bodega at pagawaan ng sigarilyo sa Cavite, sinalakay at isinara ng BIR

Aabot sa P5.4 billion na pagkakautang sa buwis ang nadiskubre ng Bureau of Internal Revenue (BIR) laban sa mga negosyante ng fake o illicit cigarettes sa Lalawigan ng Cavite. Ayon kay BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. sinalakay ng BIR ang tatlong bodega o pabrika sa Indang at Dasmariَñas dahil sa iligal na paggawa at pagbebenta… Continue reading 3 bodega at pagawaan ng sigarilyo sa Cavite, sinalakay at isinara ng BIR