Umabot sa 1,707 ilegal na sirena, blinker at iba pang ilegal na aksesorya ng sasakyan ang nakumpiska ng PNP Highway Patrol Group (HPG) sa mahigpit na pagpapatupad ng Presidential Decree 96 o ang “no Wang-Wang policy”.
Ayon kay PNP-HPG Director Brig. Gen. Alan Nazarro, ang mga nakumpiskang iligal na gamit ay sa kanilang nationwide operations
mula Marso 25 hanggang Abril 22.
Kabilang sa mga nakumpisa ang 957 LED lamps, 300 blinker, 179 fog light, 134 modified muffler, 78 busina, 48 strobe light at 11 sirena.
Una naring sinabi ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, na hahabulin ng PNP hindi lang ang mga gumagamit ng mga naturang ilegal na aksesorya, kundi maging ang mga nagbebenta ng mga ito.
Matatandaang ipinagbawal din ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga tauhan ng gubyerbo, maliban sa mga miymebro ng AFP, NBI, PNP at iba pang emergency services, ang paggamit ng sirena at blinker, sa pamamagitan ng Administrative order 18. | ulat ni Leo Sarne