Mayor Lani Cayetano, nanawagan sa DOH sa kakulangan ng pertussis vaccine sa Taguig

Nanawagan ang si Taguig City Mayor Lani Cayetano sa Department of Health (DOH) sa kakulangan ng pertussis vaccine sa kanilang lungsod dahil sa patuloy na pagdami ng kaso nito sa bansa. Aniya, dapat ay may sapat na dami ng bakuna kontra pertussis hindi lamang sa kanilang lungsod maging sa iba’t ibang panig ng bansa na… Continue reading Mayor Lani Cayetano, nanawagan sa DOH sa kakulangan ng pertussis vaccine sa Taguig

Halos 26,000 na mga pamilyang benepisyaryo, naka-graduate na sa 4Ps Program ngayong 1st quarter ng 2024

Halos 26,000 na mga pamilyang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa buong bansa ang umalis na o naka-graduate na sa programa matapos na mapabilang sa self-sufficiency status. Ito ang inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan ang nasabing bilang ay base na rin sa datos ngayong unang quarter ng taon.… Continue reading Halos 26,000 na mga pamilyang benepisyaryo, naka-graduate na sa 4Ps Program ngayong 1st quarter ng 2024

Lungsod ng Muntinlupa, pinasinayaan ang kauna-unahang milk bank sa lungsod

Pormal na pinasinayaan ang unang Human Milk Bank sa Lungsod ng Muntinlupa sa Ospital ng Muntinlupa para sa mga inang nais ipreserba ang gatas para sa kanilang mga anak na sanggol. Katuwang sa proyektong ito ng pamahalaang lungsod ang Rotary Club Muntinlupa Filinvest at Rotary Club-Hongseong-Hongju, South Korea na nag-donate ng pasteurizing machine sa lungsod.… Continue reading Lungsod ng Muntinlupa, pinasinayaan ang kauna-unahang milk bank sa lungsod

Resulta ng 3 buwan na extension at diyalogo ukol sa PUV modernization, nais malaman ni Sen. Poe

Nais malaman ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senator Grace Poe kung gaano naging produktibo ang tatlong buwan na extension sa PUV franchise consolidation. Ito ay kasunod ng anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na wala nang magiging extension matapos ang April 30 deadline. Ayon kay Poe, kinikilala naman niya ang April 30… Continue reading Resulta ng 3 buwan na extension at diyalogo ukol sa PUV modernization, nais malaman ni Sen. Poe

Pagbalik sa lumang school calendar, dapat pag-aralan – Sen. Imee Marcos

Bagamat maaaring makonsidera, dapat pa ring pag-aralan ang plano hinggil sa pagbabalik sa lumang school calendar ayon kay Senator Imee Marcos. Sa naging panayam sa mambabatas sa pagbisita nito sa Iloilo City, sinabi nitong hindi na pareho ng dati ang klima sa bansa. Pabago-bago na di umano ang panahon sa Pilipinas kaya’t minsan mahirap nang… Continue reading Pagbalik sa lumang school calendar, dapat pag-aralan – Sen. Imee Marcos

LTFRB, nakikipag-ugnayan na sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa isasagawang tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela

Nakikipag-ugnayan na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at lokal na pamahalaan kaugnay sa isasagawang tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela sa Lunes, ika-15 ng Abril. Sa isang pahayag, sinabi ni LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III na sa kabila ng nakaambang na tigil-pasada ay tiniyak nito na… Continue reading LTFRB, nakikipag-ugnayan na sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan kaugnay sa isasagawang tigil-pasada ng grupong PISTON at Manibela

DILG, isinilbi na ang supension order laban kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib

Naghain na ng preventive suspension order ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban kay Davao del Norte Governor Edwin Jubahib. Ito ay matapos na maglabas ng 60-araw na suspensyon ang Office of the President laban sa gobernardor. Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na ang suspensyon ay bunsod ng… Continue reading DILG, isinilbi na ang supension order laban kay Davao del Norte Gov. Edwin Jubahib

NFA, naglabas ng guidelines sa pag-dispose ng mga lumang stock ng bigas

Naglabas ng mga alituntunin ang National Food Authority (NFA) Council hinggil sa pagdi-dispose ng mga stock ng bigas ng ahensya. Ito ay upang hindi na maulit ang kontrobersiya ng umano ay ibinentang tone-toneladang lumang rice stocks sa halagang P25 kada kilo sa mga pribadong trader. Sa ilalim ng guidelines, pangunahing bibigyan ng rice stocks ay… Continue reading NFA, naglabas ng guidelines sa pag-dispose ng mga lumang stock ng bigas

Mga opisyal ng pamahalaan, dapat maging ehemplo sa taumbayan sa pagsunod sa batas trapiko — mambabatas

“Dapat nating tuligsain ang wang-wang mentality.” Ito ang iginiit ni Senate Majority Leader Joel Villanueva kasabay ng pagsuporta at pagpuri sa kautusan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nagbabawal sa mga empleyado at opisyal ng gobyerno na gumamit ng wang-wang o anumang signaling device. Binigyang diin ni Villanueva na tungkulin ng mga opisyal ng… Continue reading Mga opisyal ng pamahalaan, dapat maging ehemplo sa taumbayan sa pagsunod sa batas trapiko — mambabatas

Pagpapalawak ng paggamit ng renewable energy sa bansa, iginiit ni Senador Lito Lapid

Binigyang diin ni Senador Lito Lapid na dapat palawakin pa ang paggamit ng renewable energy para masolusyunan ang mga brownout sa bansa. Kabilang sa mga tinukoy ni Lapid ang paggamit ng solar, wind at wave energy para maging alternatibong pagkukunan ng kuryente. Pinunto ng senador na kung tutuusin ay maswerte ang Pilipinas dahil sagana tayo… Continue reading Pagpapalawak ng paggamit ng renewable energy sa bansa, iginiit ni Senador Lito Lapid