Chinese trafficker, namataan ng BI sa NAIA

Huli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa human trafficking. Kinilala ni Immigration Commssioner Norman Tansingco ang naharang na pasahero na si Tong Jialong, 35 anyos na papuntang Shanghai. Paliwanag ni Tansingco na ang identity ni Jialong ay nagkaron ng hit sa BI Interpol derogatory… Continue reading Chinese trafficker, namataan ng BI sa NAIA

Headquarters ng grupong tutok sa laban kobtra illegal na droga sa loob ng piitan, pinasinayaan

Naniniwala si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. na handa na nilang sugpuin ang mga nasa likod ng pagpasok ng illegal nandroga at kontrabando sa loob ng mga piitan sa bansa. Ayon kay Catapang, bagama’t may delay sa pagkuha ng mga kagamitan para sa kanilang opisina at barracks ay ito na… Continue reading Headquarters ng grupong tutok sa laban kobtra illegal na droga sa loob ng piitan, pinasinayaan

Dating Pangulong Duterte, hindi isusuko ng Pilipinas, kahit pa maglabas ng warrant ang ICC, ayon kay Pangulong Marcos

Nanindigan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hindi kinikilala ng Pilipinas ang International Criminal Court (ICC). Ito ang tugon ng Pangulo nang tanungin kung ibibigay ba ng bansa si dating Pangulong Rodrigo Duterte, sakaling maglabas ng warrant of arrest ang ICC, kaugnay sa mga umano’y paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng War on… Continue reading Dating Pangulong Duterte, hindi isusuko ng Pilipinas, kahit pa maglabas ng warrant ang ICC, ayon kay Pangulong Marcos

Pilipinas nanawagan ng maayos na resolusyon sa alitan sa pagitan ng Iran at Israel

Naglabas na ng pahayag ang Department of Foreign Affairs (DFA) hinggil sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng Iran at Israel. Ayon sa DFA nag-aalala ang Pilipinas sa nangyayaring tensyon sa pagitan ng dalawang naturang bansa. Hinihimok din ng bansa ang Israel at Iran gayundin ang mga ibang stakeholders na gumawa ng paraan tungo sa mapayapang… Continue reading Pilipinas nanawagan ng maayos na resolusyon sa alitan sa pagitan ng Iran at Israel

PBBM, umaasang hindi magbabago ang relasyon ng US at Pilipinas, kahit sino pa ang maupong susunod na lider ng Estados Unidos

Aminado si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nakabantay rin sila sa political cycle sa Estados Unidos, lalo’t nalalapit na ang halalan sa US. Pahayag ito ng Pangulo nang tanungin kung nangangamba ba ito na magbago ang balikatan ng dalawang bansa, sa oras na si Donald Trump ang manalo sa halalan sa US. Sa isang… Continue reading PBBM, umaasang hindi magbabago ang relasyon ng US at Pilipinas, kahit sino pa ang maupong susunod na lider ng Estados Unidos

Las Pinas LGU, nilinaw ang patakaran nito pagdating sa e-trike

Nilinaw ng lokal na pamahalaan na bagama’t ipinagbabawal na nila ang electric tricycle (e-trike) at electric bicycle (e-bike) sa pangunahing kalsada ay hindi pa sila nanghuhuli ng mga lumalabag dito.  Paliwanag ng Las Pinas LGU na nasa pagpapaalala muna sila sa publiko sa puntong ito lalo na sa mga dumadaan sa Alabang-Zapote Road. Layon anila… Continue reading Las Pinas LGU, nilinaw ang patakaran nito pagdating sa e-trike

Pasig Bakuna, Bata ang Bida Program, opisyal nang Inilunsad

Opisyal nang inilunsad ngayong araw ng Pamahalaang Lungsod ng Pasig, sa pangunguna ng City Health Department ang programang “Pasig Bakuna, Bata ang Bida!”. Layon ng programa na mabakunahan ang mga batang edad anim na linggo hanggang 23 buwan para sa catch-up doses at 24 na buwan hanggang 59 na buwan laban sa Polio at iba… Continue reading Pasig Bakuna, Bata ang Bida Program, opisyal nang Inilunsad

Pilipinas at China, walang proper agreement kaugnay sa posibilidad ng joint exploration sa WPS, ayon kay Pangulong Marcos

Hindi papayag ang Pilipinas na manaig ang China o ang batas nito, sakaling magkaroon ng joint exploration sa West Philippine Sea (WPS). Ito ang binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., nang tanungin kaugnay sa oil and gas talks sa West Philippine Sea (WPS) sa pagitan ng Beijing at Maynila. Sa isang panayam, sinabi… Continue reading Pilipinas at China, walang proper agreement kaugnay sa posibilidad ng joint exploration sa WPS, ayon kay Pangulong Marcos

Panibagong taas presyo sa produktong petrolyo, nakaamba bukas

Kasado na ang panibagong malakihang taas presyo sa produktong petrolyo. Base sa pinakahuling estima ng mga taga industriya ng langis, posibleng nasa ₱0.80 hanggang ₱1 kada litro ang itaas sa presyo ng Diesel. ₱0.20 naman hanggang ₱0.40 sa kada litro ng Gasolina. Habang sa Kerosene naman ay ₱0.70 hanggang ₱0.90 ang pwedeng itaas. Ang naturang… Continue reading Panibagong taas presyo sa produktong petrolyo, nakaamba bukas

Sales Road sa Pasay City na nakitaan ng malaking butas, hindi pa matukoy kung kailan madadaanan, ayon sa MMDA

Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na hindi pa matukoy sa ngayon kung kailan madadaanan ang Sales Road sa Pasay City na nakitaan ng malaking butas o sinkhole noong Linggo ng umaga. Sa isang pulong balitaan sa Pasig City, sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes na kailangan pang siyasatin ng Department of… Continue reading Sales Road sa Pasay City na nakitaan ng malaking butas, hindi pa matukoy kung kailan madadaanan, ayon sa MMDA