DOT chief, nakipagpulong sa CCCI para palakasin ang ‘business opportunities’sa Cebu

Upang mas mapalakas ang oportunidad sa pagne-negosyo sa buong lalawigan ng Cebu partikular sa sektor ng turismo ay nagkaroon ng pagpupulong si Tourism Secretary Christina Frasco kasama ang Cebu Chamber of Commerce and Industry. Sa naturang pagpupulong, ipinakita ni CCCI President Jay Y. Yuvallos ang kanilang intensyon na mamuhunan sa sektor ng turismo sa naturang… Continue reading DOT chief, nakipagpulong sa CCCI para palakasin ang ‘business opportunities’sa Cebu

Deportation at pagkansela ng visa ng mga dayuhang bumibili ng diploma, iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino

Dapat ipa-deport at kanselahin ang student visa ng mga dayuhang estudyante na nasasangkot sa sinasabing ‘diploma-for-sale scheme’. Ito ang mungkahi ni Senador Francis Tolentino kung totoo man aniya ang report na nagbabayad ng hanggang dalawang milyong piso ang ilang Chinese para makakuha ng diploma sa isang pribadong unibersidad sa Cagayan. Sinabi ng senador na dapat… Continue reading Deportation at pagkansela ng visa ng mga dayuhang bumibili ng diploma, iminungkahi ni Sen. Francis Tolentino

DFA at DMW, kapwa bineberipika ang ulat na may 2 Pilipinong nasawi sa pagbaha sa Dubai

Kinukumpirma pa ng Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Department of Migrant Workers (DMW) kung totoong may dalawang Pilipino na nasawi dahil sa pagbaha sa Dubai. Sa panayam kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega matapos ang briefing sa Kamara, sinabi nito na mayroong natanggap na ulat ang konsulado ng Pilipinas na may isang babae… Continue reading DFA at DMW, kapwa bineberipika ang ulat na may 2 Pilipinong nasawi sa pagbaha sa Dubai

Meralco, siniguro ang karagdagang supply ng kuryente kasunod ng pagtaas ng Red Alert sa Luzon Grid

Bilang tugon sa deklarasyon ng Red Alert Status ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Luzon Grid. Nakikipag-ugnayan ang Manila Electric Company (Meralco) sa mga kalahok ng Interruptible Load Program na sakop ng kanilang prangkisa para makatulong na mapagaan ang demand sa kuryente. Sa abiso ng Meralco nitong alas-12 ng tanghali, ngayong araw… Continue reading Meralco, siniguro ang karagdagang supply ng kuryente kasunod ng pagtaas ng Red Alert sa Luzon Grid

P57 dollar exchange rate, hindi dapat ikabahala – BSP

Pinawi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pangamba sa pagtaas ng palitan ng piso sa dolyar. Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, walang dapat ikabahala dahil ibig sabihin lamang nito ay lumalakas ang dolyar at hindi humihina ang piso. Ginawa ni Remolona ang pahayag kasunod ng pagsasara ng peso-dollar exchange rate sa P57.18. Sinabi ni… Continue reading P57 dollar exchange rate, hindi dapat ikabahala – BSP

DFA, wala pang nakukuhang request mula sa mga Pilipino na nais magpa-repatriate sa Israel at Iran kasunod ng missile attack

Siniguro ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo De Vega, na nakahanda ang iba’t ibang Embahada ng Pilipinas sa Middle East para ipatupad ang kanilang contingency plans sakaling lumala ang sitwasyon doon. Sa harap ito ng ipinatawag na briefing ng House Committee on Overseas Workers Affairs, upang alamin ang kahandaan ng bansa para tulungan… Continue reading DFA, wala pang nakukuhang request mula sa mga Pilipino na nais magpa-repatriate sa Israel at Iran kasunod ng missile attack

Re-designation ng CPP-NPA bilang terrorist group, pinuri ng NTF-ELCAC

Pinuri ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang muling pag-designate ng Anti-Terrorism Council (ATC) sa Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) bilang isang teroristang organisasyon sa ilalim ng Administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Sa isang kalatas, sinabi ni NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto… Continue reading Re-designation ng CPP-NPA bilang terrorist group, pinuri ng NTF-ELCAC

E-bikes, e-trikes, at iba pang kahalintulad na sasakyan, binigyan ng 1 buwang palugit bago ipagbawal sa mga pangunahing kalsada sa NCR

Photo courtesy of Philippine News Agency

Inanunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang buwang palugit ng pamahalaan bilang adjustment period sa pag-ban o pagbabawal sa mga e-trike, e-bike, pedicab, at iba pang kahalintulad na sasakyan sa pagdaan ng mga ito sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Kabilang na dito ang EDSA, Taft Avenue, Roxas Boulevard, Mindanao Avenue, at… Continue reading E-bikes, e-trikes, at iba pang kahalintulad na sasakyan, binigyan ng 1 buwang palugit bago ipagbawal sa mga pangunahing kalsada sa NCR

DMW, inaalam ang kalagayan ng OFWs matapos ang tumamang magnitude 6.6 na lindol sa western Japan kagabi

Nakikipag-ugnayan ngayon ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga employer at kumpanya sa Ehime at Kochi prefectures sa Japan upang malaman ang kalagayan ng overseas Filipino workers (OFWs) doon. Ito ay kasunod ng tumamang magnitude 6.6 na lindol sa kanlurang bahagi ng Japan kagabi. Batay sa abiso ng Migrant Workers Office (MWO) Osaka ngayong… Continue reading DMW, inaalam ang kalagayan ng OFWs matapos ang tumamang magnitude 6.6 na lindol sa western Japan kagabi

Pormal na reklamo laban sa umano’y seditious na pahayag ni dating Speaker Alvarez, hinihintay pa ng House Committee on Ethics

Hihintayin pa ng House Committee on Ethics ang pormal na reklamo laban kay dating House Speaker at ngayon ay Davao del Norte Representative Pantaleon Alvarez, bago makapagsimula ng imbestigasyon. Ito’y bunsod pa rin ng panawagan ng ilan sa mga mambabatas na isalang sa ethics committee si Alvarez, dahil sa kaniyang panawagan sa militar na bawiin… Continue reading Pormal na reklamo laban sa umano’y seditious na pahayag ni dating Speaker Alvarez, hinihintay pa ng House Committee on Ethics