Karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng joint military drill kasama ang US, iginiit ni Sen. Tolentino

Binigyang diin ni Senate Special Committee on Maritime and Admiralty Zones Chairperson Senador Francis Tolentino na karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng joint military exercises kasama ang ibang mga bansa sa loob ng ating teritoryo. Ito ang tugon ng senador sa babala ng Foreign Ministry ng China, na nakakalala lang ng tensyon ang mga aktibidad… Continue reading Karapatan ng Pilipinas na magsagawa ng joint military drill kasama ang US, iginiit ni Sen. Tolentino

Purple hydrants ng Manila Water, pinagana na para tulungan ang BFP sa mga insidente ng sunog sa Metro Manila

Apat na purple hydrants ang itinayo ng Manila Water sa Metro Manila. Ito ay para tulungan ang Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) sa pangangailanan sa tubig sa mga lugar na may insidente ng sunog. Ang purple hydrants ay itinayo para makuha ang wastewater na nililinis mula sa sewage treatment plants ng kumpanya para sa non-potable uses… Continue reading Purple hydrants ng Manila Water, pinagana na para tulungan ang BFP sa mga insidente ng sunog sa Metro Manila

Operasyon ng CAVITEX, itinutulak na maibalik sa PEA Tollways Corp.

Nanindigan ang Public Estates Authority Tollway Corporation (PEATC) na dapat maibalik sa kontrol ng pamahalaan ang operasyon ng Manila-Cavite Expressway (Cavitex) project. Kasunod na rin ito ng hakbang ng ahensya na maghain ng mandamus case sa Court of Appeals laban sa Cavitex Infrastructure Corporation. Sa isang pulong balitaan sa QC, ipinunto ni PEATC Spokesperson Ariel… Continue reading Operasyon ng CAVITEX, itinutulak na maibalik sa PEA Tollways Corp.

MMDA, iginiit na sapat na ang isang buwan na grace period sa panghuhuli sa e-bikes at e-trikes na dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila

Naniniwala ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na sapat na ang isang buwan na palugit sa panghuhuli sa mga e-bike at e-trike user na dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila. Ayon kay MMDA Chairperson Atty. Don Artes, ang grace period na isang buwan ay oportunidad para magpakalat ng impormasyon ang ahensya, at ituro… Continue reading MMDA, iginiit na sapat na ang isang buwan na grace period sa panghuhuli sa e-bikes at e-trikes na dumadaan sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila

Aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagkamit ng sustainable development goals, isinulong ng OCD

Suportado ng Office of Civil Defense (OCD) ang aktibong pakikilahok ng kabataan sa pagkamit ng United Nations (UN) Sustainable Development Goals (SDG), partikular sa larangan ng Disaster Risk Reduction. Ito ang inihayag ni Civil Defense Administrator, Undersecretary Ariel Nepomuceno sa 5th National Youth Eco Camp sa Boracay, Aklan na inorganisa ng Bridging Leaders for Sustainable… Continue reading Aktibong partisipasyon ng kabataan sa pagkamit ng sustainable development goals, isinulong ng OCD

Mga mambabatas, buhos ang papuri kay PBBM matapos mapabilang sa “100 Most Influential People of 2024” ng TIME

Pagbati at papuri ang ipinaabot na mensahe ng mga mambabatas kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos nitong mapasama sa prestihiyosong TIME Magazine “100 Most Influential People of 2024.” Ayon kay House Assistant Majority Leader Jefferson Khonghun, tunay na maipagmamalaki na mapasama ang ating Pangulo sa mga ‘best at brightest’ at ‘Most Influential’ sa mundo.… Continue reading Mga mambabatas, buhos ang papuri kay PBBM matapos mapabilang sa “100 Most Influential People of 2024” ng TIME

Mga bata dapat mabakunahan kontra Hepa B para maiwasan ang liver cancer outbreak

Photo courtesy of House of Representatives FB page

Binigyang diin ni dating Health Secretary at House Deputy Majority Leader Janette Garin ang kahalagahan na mabakunahan ang mga bata kontra Hepatitis B. Ito ay upang maiwasang magkaroon ng liver cancer outbreak sa 2042. Aniya 30 porsyento ng mga nahahawa ng Hepatitis B ay hindi bakunado at nauuwi sa Hepatocellular Carcinoma na isang nakamamatay na… Continue reading Mga bata dapat mabakunahan kontra Hepa B para maiwasan ang liver cancer outbreak

AFP, handa na sa pagdagting ng Brahmos Cruise Missile System mula India

Handa na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagdating sa Clark International Airport ng unang batch ng Brahmos Cruise Missile System mula India ngayong Biyernes. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, maglalabas ng karagdagang detalye ang Sandatahang Lakas sa oras na ang kagamitan ay pormal nang nai-turn over sa kanila. Ang… Continue reading AFP, handa na sa pagdagting ng Brahmos Cruise Missile System mula India

Engkwentro sa Albay, isa patay, dalawa arestado

Nauwi sa pagkakasawi ng isang indibidwal, habang dalawa naman ang naaresto sa naganap na engkwentro sa pagitan ng mga kapulisan at mga armadong kalalakihan sa Brgy. Magogon, Camalig, Albay nitong Huwebes ng madaling araw, Abril 18, 2024. Sa ulat ng PNP Bicol, nakatanggap umano ng sumbong ang Camalig Municipal Police Station mula sa isang residente… Continue reading Engkwentro sa Albay, isa patay, dalawa arestado

Mahigit 8k benepisyaryo ng AICS sa Sulu, makakatanggap ng tulong pinansyal mula DSWD

Sinimulan na ngayong araw (Abril 19) ang payout ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region IX sa Zamboanga City para sa mga benepisyaryo ng Assistance to Individuals in Crisis Situation sa bayan ng Jolo, Sulu. Ayon kay Agnes Sia, Administrative Officer ng DSWD IX, makakatanggap ng tig-P3,500 ang may 4,194 kabuuang benepisyaryo nito… Continue reading Mahigit 8k benepisyaryo ng AICS sa Sulu, makakatanggap ng tulong pinansyal mula DSWD