Patuloy ang isinasagawang paninita ng mga operatiba ng Special Action and Intelligence Committee on Transportation (SAICT) sa mga pasaway na motorista na dumaraan sa EDSA Busway.
Sa ikinasang operasyon sa EDSA-Santolan southbound ngayong araw, nasa 21 ang kabuuang bilang ng mga hindi awtorisadong sasakyan ang kanilang nasita.
Mula sa naturang bilang, apat ang mga ambulansya na bukod sa wala nang sakay na pasyente, wala ring maipakitang dispatch order kaya’t binigyan pa rin sila ng citation ticket.
Aminado ang mga tsuper ng nahuling ambulansya, alam naman nilang bawal pero napilitan sila dahil sa pagmamadali.
Maliban sa ambulansya, aabot din sa 17 motorcycle rider ang nahuli rin ng SAICT kabilang na ang isang pulis na sinasabing dumaan ng busway para gamiting overtaking lane. | ulat ni Jaymark Dagala