Umano’y kasunduan sa pagitan ng kasalukuyang administrasyon at China sa WPS, hindi totoo, ayon sa NSC

Pinasinungalingan ng National Security Council (NSC) ang inilabas na pahayag ng Chinese Embassy na may “new model” na kasunduan ang administrasyon Marcos at China hinggil sa isyu ng West Philippine Sea (WPS). Ayon kay NSC Assistant Director General Jonathan Malaya, bagong pakulo at imbensyon lang daw ito ng Chinese Embassy. Layunin nitong pagsabungin at magkawatak-watak… Continue reading Umano’y kasunduan sa pagitan ng kasalukuyang administrasyon at China sa WPS, hindi totoo, ayon sa NSC

Batay sa mga paunang ulat, nag-umpisa ang sunog sa isang commercial area sa Pedro Gil sa Paco, Maynila, gabi ng Sabado.

Malapit din ang nangyaring sunog sa Paco Catholic School kung saan tinupok din ito ng apoy. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-8:02 ng gabi nang ideklara ang unang alarma sa naturang sunog. Bandang alas-8:37 ay itinaas na ito agad sa ika-limang alarma. Alas-10:28 naman ng gabi ay fire under control na ang… Continue reading Batay sa mga paunang ulat, nag-umpisa ang sunog sa isang commercial area sa Pedro Gil sa Paco, Maynila, gabi ng Sabado.

Mga technical personnel ng NHA, sumailalim sa CPES Training at sinisiguro ang pamantayan  sa pabahay

May tatlumput limang (35) technical personnel ng National Housing Authority (NHA) ang sumailalim sa Constructors Performance Evaluation System (CPES) training. Binubuo ang mga ito ng inhinyero at arkitekto mula sa iba’t ibang regional at district offices. Ang mga lumahok sa tatlong araw na pagsasanay ay itatalaga na bilang mga kwalipikadong mag- inspeksyon at sumuri sa… Continue reading Mga technical personnel ng NHA, sumailalim sa CPES Training at sinisiguro ang pamantayan  sa pabahay

Lungsod ng Makati, hinikayat ang mga residente na pabakunahan ang mga alagang hayop kontra rabies

Muling aarangkada ang anti-rabies campaign sa Lungsod ng Makati City para naman sa mga residente nito sa Barangay Guadalupe Nuevo simula Abril 22, araw ng Lunes. Pangungunahan ng Makati Veterinary Services Department ang pag-iikot sa nasabing barangay kung saan magbibigay ito ng libreng anti-rabies vaccination para sa furbabies ng Makatizens. Pinaalalahanan naman ang mga residente… Continue reading Lungsod ng Makati, hinikayat ang mga residente na pabakunahan ang mga alagang hayop kontra rabies

Paglilipat ng mga PDL sa bagong QC Jail sa Payatas, tuloy-tuloy na

Malaking bilang pa ng Persons Deprived of Liberty (PDL) ang matagumpay na nailipat sa bagong pasilidad ng Quezon City Jail sa Barangay Payatas sa Quezon City. Kabuuang 636 PDLs ang ikatlong batch ang nailipat kahapon mula sa lumang pasilidad sa barangay Kamuning. Sa kabuuan, umabot na sa 1,198 ang bilang ng PDLs ang nasa costudy… Continue reading Paglilipat ng mga PDL sa bagong QC Jail sa Payatas, tuloy-tuloy na