Maritime Security sa mga strategic island outpost, pinalakas ng NOLCOM

Pinangunahan ni NOLCOM Commander Lt. General Fernyl Buca ang site inspection at instalasyon ng Harris Radios sa mga Naval Detachment sa Mavulis, Fuga, at Calayan Islands mula noong araw ng Linggo hanggang ngayong araw. Ang pagbisita ni Lt. Gen. Buca kasama ang iba pang matataas na opisyal sa Mavulis island, ang pinaka-Hilagang isla ng bansa,… Continue reading Maritime Security sa mga strategic island outpost, pinalakas ng NOLCOM

AFP, nagpasalamat sa suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kapabilidad

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Estados Unidos sa patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kanilang kapabilidad. Ito ang ipinaabot ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura kay U.S. Marine Corps Forces Pacific (MARFORPAC) Commander LtGen William Jurney sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon. Naging sentro ng… Continue reading AFP, nagpasalamat sa suporta ng Estados Unidos sa pagpapalakas ng kapabilidad

GSIS, may paalala sa pensioners ngayong sobrang init ng nararanasang panahon

Inilatag ng Government Service Insurance System ang mga pamamaraan para maprotektahan ang kanilang mga miyembro partikular ang kanilang mga pensioner nito ngayong sobrang init ang nararanasan na panahon. Ayon kay GSIS President at General Manager Wick Veloso, ang kanilang old-age pensioners ang isa sa ‘vulnerable individuals’ sa mga ganitong klaseng panahon. Sa pamamagitan ng pagpapaganda… Continue reading GSIS, may paalala sa pensioners ngayong sobrang init ng nararanasang panahon

BI, tiniyak ang patuloy na paglaban sa human trafficking

Siniguro ni Bureau of Immigration Commissioner Norman Tansingco na tuloy-tuloy ang kanilang gagawing kampanya laban sa human trafficking. Nag-ugat ang pahayag ni Tansingco matapos mailigtas ng kanyang mga tauhan ang apat na kababaihan na iligal na pagtatrabahuin sana sa Tsina bilang mga waitress. Ayon kay Tansingco ang human trafficking ay isang ‘heinous crime’ na tinatarget… Continue reading BI, tiniyak ang patuloy na paglaban sa human trafficking

Bilang ng mga pamilyang naniniwalang sila ay mahirap, bumaba —OCTA survey

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong nakaranas ng gutom at kahirapan sa unang quarter ng 2024 batay sa resulta ng pinakahuling OCTA Research survey. Sa naturang survey, lumalabas na 42% o tinatayang 11.1 milyong pamilya sa bansa ang itinuturing na mahirap sa unang quarter ng tao. Mas mababa ito kumpara sa 45% o katumbas ng… Continue reading Bilang ng mga pamilyang naniniwalang sila ay mahirap, bumaba —OCTA survey

Mga medical doctors, pinaalalahanan ng DOH na bawal tumanggap ng anumang regalo o pribilehiyo sa pharmaceutical companies 

Muling nagpaalala ang Department of Health (DOH) sa mga medical doctor na bawal tumanggap ng anumang regalo o pribilehiyo mula sa pharmaceutical companies.  Ang paalala ng DOH ay bunsod ng ulat na nakarating sa kanila na umanoy talamak ang ginagawang pagbibigay ng pribilehiyo sa mga doktor mula sa mga kompanya kapalit ng pag-endorso ng mga… Continue reading Mga medical doctors, pinaalalahanan ng DOH na bawal tumanggap ng anumang regalo o pribilehiyo sa pharmaceutical companies 

Mga Pilipino at kanilang Palestinian spouses na lumikas mula sa kaguluhan sa Gaza, nangangailangan ng tulong sa trabaho at edukasyon ng mga anak ayon sa Lanao solon

Dumalaw sa tanggapan ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong sa Little Gaza sa Quezon City kung saan namamalagi ang mga Pilipino na lumikas at nagparepatriate mula Gaza dahil sa patuloy na kaguluhan doon. Dito inilapit ng mga Filipino repatriates na sana ay mabigyang pagkakataon ang kanilang Palestinian spouses na makapagtrabaho, habang hinihintay na… Continue reading Mga Pilipino at kanilang Palestinian spouses na lumikas mula sa kaguluhan sa Gaza, nangangailangan ng tulong sa trabaho at edukasyon ng mga anak ayon sa Lanao solon

Bilang ng mga apektado ng El Niño, sumampa na sa 2 milyon — DSWD

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng El Niño Phenomenon sa bansa. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat na sa higit sa 471,000 na pamilya o katumbas ng dalawang milyong indibidwal ang apektado ng El Niño. Sa ngayon, nasa 11 rehiyon sa bansa ang pinaka-apektado kabilang ang Cagayan Valley,… Continue reading Bilang ng mga apektado ng El Niño, sumampa na sa 2 milyon — DSWD

PBBM, nagkuwento sa mga paghahandang ginagawa sa tuwing may foreign leader na nagpupunta sa bansa

Masusi ang preparasyong inilalatag ng pamahalaan sa tuwing may mga lider mula sa ibang bansa ang bumibisita sa Pilipinas. Ayon sa Pangulo, mula sa musikang maririnig ng isang bisita sa pagpasok sa Malacañang ay personalize gayung kilalang folk song sa bansa ng bisitang lider ang tinutugtog. Maingat din aniya ang paghahanda sa mga pagkain sa… Continue reading PBBM, nagkuwento sa mga paghahandang ginagawa sa tuwing may foreign leader na nagpupunta sa bansa

US Congressional Staff, bumisita sa AFP kasabay ng pag-arangkada ng BALIKATAN Exercise

Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Estados Unidos sa maigting na suporta nito sa pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng Pilipinas at Amerika. Ito ang tinuran ni AFP Vice Chief of Staff, Major General Ferdinand Barandon kasunod ng pagbisita ng mga delegado ng US Congressional Staff kasabay ng pagbubukas ng BALIKATAN Exercise… Continue reading US Congressional Staff, bumisita sa AFP kasabay ng pag-arangkada ng BALIKATAN Exercise