DOH, nakapagtala na ng 6 na namatay dahil sa Heat Stroke

Umakyat na sa anim ang naitatala ng Department of Health ( DOH) na namamatay dahil sa heat stroke o matinding init ng panahon. Ayon kay Dr. Albert Domingo, tagapagsalita ng DOH, ang mga namatay ay nagmula sa Central Visayas, Ilocos Region, at Soccskargen. Pumalo naman sa 34 na mga heat-related illness ang naitala ng DOH… Continue reading DOH, nakapagtala na ng 6 na namatay dahil sa Heat Stroke

Motor rider na naksidente sa EDSA Ortigas northbound, nirespondehan ng SAICT

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Special Action and Intelligence Committee (SAICT) sa isang lalaking motor rider na nasugatan makaraang maaksidente. Ito’y habang bumabagtas ang naturang motor rider sa northbound lane ng EDSA sa bahagi ng Ortigas sa Mandaluyong City kaninang alas-4 ng madaling araw. Ayon sa motor rider, self accident ang nangyari dahil naka-idlip… Continue reading Motor rider na naksidente sa EDSA Ortigas northbound, nirespondehan ng SAICT

NFA, umaasang makabibili ng maraming suplay sa pagpapatupad ng mas mataas na palay buying price

Umaasa ang National Food Authority (NFA) na maraming suplay ng palay ang mabili nito sa mga magsasaka ngayong pinaiiral na ang mas mataas na buying price. Sa ilalim ng bagong buying price, aabot sa ₱23 hanggang ₱30/kilo para sa tuyong palay habang ₱19 hanggang ₱23/kilo naman para sa sariwang palay. Ayon kay NFA Acting Admin… Continue reading NFA, umaasang makabibili ng maraming suplay sa pagpapatupad ng mas mataas na palay buying price

Sindikato ng mga ‘fixer’ na namemeke ng pirma ng BIR officials, arestado

Kinumpirma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang pagkakahuli ng ilang miyembro ng sindikato ng mga fixer na nagpakilalang may kuneksyon sa mga BIR officials para makapambiktima. Sa ikinasang entrapment operations katuwang ang NBI, nahuli ang mga suspek na kinilalang sina Cristopher Leo Maala, Kyle Dean Tabayocyov, at Lioric Amiel Cervantes sa Baguio City. Ayon… Continue reading Sindikato ng mga ‘fixer’ na namemeke ng pirma ng BIR officials, arestado

Mapanganib na antas ng heat index, posibleng tumama sa Metro Manila ngayong araw

Kasama na rin ang Metro Manila sa nakararanas ngayon ng ‘danger’ level na heat index ngayong araw. Kahapon lang, umabot sa 42°C ang naitalang damang init sa bahagi ng Pasay City. Batay sa heat index forecast ng PAGASA-DOST, magpapatuloy pa ang ganito kataas na heat index sa Metro Manila hanggang ngayong Martes at maging sa… Continue reading Mapanganib na antas ng heat index, posibleng tumama sa Metro Manila ngayong araw

Pag-iimbestiga sa pagdagsa ng mga Chinese students sa Cagayan, di usapin ng racial profiling — Sen. Jinggoy Estrada

Iginiit ni Senate Committee on National Defense Chairperson Senador Jinggoy Estrada na hindi dapat ituring na ‘racial profiling’ o diskriminasyon ang concern tungkol sa pagdami ng mga Chinese students sa Cagayan at ang sinasabing pagbili ng mga ito ng diploma sa isang unibersidad sa naturang probinsya. Ayon kay Estrada, lehitimo ang concern na ito lalo… Continue reading Pag-iimbestiga sa pagdagsa ng mga Chinese students sa Cagayan, di usapin ng racial profiling — Sen. Jinggoy Estrada

Mga armas ni Pastor Apollo Quiboloy, dapat nang kumpiskahin ng PNP — Sen. Risa Hontiveros

Iginiit ni Senadora Risa Hontiveros na maaari nang kumpiskahin ng Pambansang Pulisya ang mga armas ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) leader Apollo Quiboloy base sa mga kasong isinampa laban dito. Una nang naglabas ng Arrest Orders ang Davao at Pasig City courts ng Warrant of Arrest laban kay Quiboloy para sa mga kasong sexual… Continue reading Mga armas ni Pastor Apollo Quiboloy, dapat nang kumpiskahin ng PNP — Sen. Risa Hontiveros

State-of-the-art assets ng Pilipinas at Amerika, magpapakitang gilas sa live-fire exercises na bahagi ng BALIKATAN 2024

Kapwa ipamamalas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at ng US Armed Forces ang kani-kanilang state-of-the-art assets sa isasagawang Maritime strike live-fire exercise sa May 8 sa La Paz Sand Dunes, Laoag City sa Ilocos Norte. Kabilang sa mga ibibida ng AFP ay ang Jose Rizal-class guided missile frigate kasama ang C-Star anti-ship missile… Continue reading State-of-the-art assets ng Pilipinas at Amerika, magpapakitang gilas sa live-fire exercises na bahagi ng BALIKATAN 2024

PNP, nagpalabas ng panuntunan hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga Pulis

Ipinag-utos ng liderato ng Philippine National Police (PNP) na alisin ang lahat ng “visible tattoos” sa lahat ng pulis na mayroon nito. Iyan ang tinuran ni PNP Public Information Office Chief, Police Colonel Jean Fajardo alinsunod na rin sa Memorandum Circular 2024-023 na inaprubahan noon pang March 19 ng kasalukuyang taon. Kabilang sa mga tattoo… Continue reading PNP, nagpalabas ng panuntunan hinggil sa pagkakaroon ng tattoo ng mga Pulis

Mga heneral ng AFP, suportado ang mabilis na aksyon ng DND, AFP, iba pang ahensya vs. Rep. Alvarez

Nagpahayag ng suporta ang Association of General and Flag Officers (AGFO) sa mabilis na aksyon ng Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP), at iba pang ahensya ng gobyebro, para imbestigahan si Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez. Sa isang statement na pirmado ni AGFO President and Board Chairman… Continue reading Mga heneral ng AFP, suportado ang mabilis na aksyon ng DND, AFP, iba pang ahensya vs. Rep. Alvarez