Higit 10,000 traffic violators sa NCR, nahuli ng LTO sa 1st quarter ng 2024

Aabot sa higit 10,000 pasaway na mga motorista ang natiketan ng Land Transportation Office-National Capital Region (LTO-NCR) sa unang quarter ng 2024 sa pinaigting na kampanya nito kontra traffic violators. Ayon sa LTO-NCR, mas mataas ito kumpara sa 3,662 na nahuli noong unang quarter ng 2023. Dagdag pa ng ahensya, nagbunga ito ng ₱26-na milyong… Continue reading Higit 10,000 traffic violators sa NCR, nahuli ng LTO sa 1st quarter ng 2024

House Appropriations Chair, nagpaalala sa mga ahensya na samantalahin ang dry season para tapusin ang infra projects

Pinasisiguro ni House Committee on Appropriations Chair Elizaldy Co sa mga ahensya ng pamahalaan na samantalahin ang dry season para tapusin ang kanilang mga proyekto. Aniya, unahin na dapat ngayon ang paggawa ng infrastructure projects at iba pang capital outlays habang hindi pa umuulan. Giit pa ni Co na oras na sumalang muli sa budget… Continue reading House Appropriations Chair, nagpaalala sa mga ahensya na samantalahin ang dry season para tapusin ang infra projects

Higit 9,000 trabaho, nakaabang sa mga aplikante sa Labor Day Job Fair ng QC

Kasado na ang Mega Job fair ng Quezon City government bilang bahagi ng selebrasyon ng Labor Day sa May 1. Ayon sa QC LGU, nasa 100 kumpanya ang mag-aalok ng higit 9,000 trabaho at oportunidad sa loob at labas ng bansa sa naturang job fair, na pinakamalaking job expo na ioorganisa ng city government. Pangungunahan… Continue reading Higit 9,000 trabaho, nakaabang sa mga aplikante sa Labor Day Job Fair ng QC

Samantha Catantan, pinuri ni Speaker Romualdez sa pagbabalik ng Pilipinas sa Olympic stage

Kaisa si Speaker Martin Romuladez sa bumabati at kumikilala kay Samantha Kyle Catantan matapos itong makapasok sa 2024 Summer Olympics na gaganapin sa Paris, France. Aniya, isa itong historic achivement ng bente dos-anyos na Pinay fencer, na sumunod sa yapak ni Walter Torres, ang huling Pinoy fencer na nakarating sa Olympics noong 1992 Barcelona Games.… Continue reading Samantha Catantan, pinuri ni Speaker Romualdez sa pagbabalik ng Pilipinas sa Olympic stage

Labor Day Job Fair sa Caloocan, handa na

Kasado na rin ang gagawing malawakang job fair sa Caloocan City kasabay ng selebrasyon ng Labor Day sa May 1. Pangungunahan ito ng Department of Labor and Employment—NCR CAMANAVA Field Office katuwang ang Public Employment Service Office – Caloocan City. Gaganapin ang Labor Day Job Fair sa SM City Grand Central simula 9:00 am hanggang… Continue reading Labor Day Job Fair sa Caloocan, handa na

Luzon Grid, naka-Yellow Alert muli mamayang hapon

Muling ilalagay ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Yellow Alert ang Luzon Grid dahil sa pagnipis ng reserba sa kuryente. Ipatutupad ang Yellow Alert status simula mamayang alas-3 ng hapon hanggang alas-5 ng hapon, at mamayang alas-8 ng gabi hanggang alas-11 ng gabi. Ayon sa NGCP, nawalan ng 1,443 megawatts ang Grid… Continue reading Luzon Grid, naka-Yellow Alert muli mamayang hapon

Transport strike, di ramdam sa bahagi ng Monumento sa Caloocan; Maraming jeepney driver, naka-kooperatiba na

Normal ang sitwasyon sa kalsada sa bahagi ng Monumento sa Caloocan City sa kabila ng transport strike ng grupong PISTON. Karamihan kasi ng mga bumibyaheng jeepney driver ay bahagi na ng kooperatiba kaya hindi na nakisali pa sa tigil-pasada. Kabilang rito si Mang Jisser na noong Nobyembre pa nakisali sa Metro North District Transport Corporation.… Continue reading Transport strike, di ramdam sa bahagi ng Monumento sa Caloocan; Maraming jeepney driver, naka-kooperatiba na

Pag-disqualify ng NTC sa aplikasyon ng 4 na telecommunications company para sa radio frequency, pinagtibay ng SC

Pinaboran ng Supreme Court ang kautusan ng National Telecommunications Commission (NTC) na ibasura nito ang aplikasyon ng Next Mobile, Inc., na ngayo’y NOW Telecom at iba pang kompanya na nag-apply para sa third-generation mobile communications technology o 3G radio frequency. Sa desisyon ng Korte Suprema na isinulat ni Senior Associate Justice Marvic Leonen, pinawalang saysay… Continue reading Pag-disqualify ng NTC sa aplikasyon ng 4 na telecommunications company para sa radio frequency, pinagtibay ng SC

Kamara, tututok sa oversight function nito sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ngayong araw

Dahil sa tapos na ng Kamara ang 20 LEDAC Priority Bills, tututukan nito ngayon ang kanilang oversight function kasabay ng pagbabalik sesyon ngayong araw. Ayon kay Speaker Martin Romualdez, bahagi nito ang pag-monitor at evaluate sa pagpapatupad ng mga batas na kanilang pinagtibay para sa accountability, transparency, at interes ng publiko. “Through rigorous oversight, the… Continue reading Kamara, tututok sa oversight function nito sa pagbabalik sesyon ng Kongreso ngayong araw

Biyahe ng mga jeepney sa San Juan City, di apektado ng tigil-pasada ng PISTON

Tuloy-tuloy pa rin ang biyahe ng mga jeepney sa bahagi ng San Juan City kasunod ng ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw. Ayon sa ilang mga tsuper ng jeepney na biyaheng San Juan-Rosario gayundin ang San Juan-Crame at pabalik, karamihan kasi sa mga jeepney dito ay nakalahok na sa consolidation. Bagaman may ilang mga… Continue reading Biyahe ng mga jeepney sa San Juan City, di apektado ng tigil-pasada ng PISTON