3 sugatan sa sunog sa Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tatlo ang kumpirmadong nasugatan matapos sumiklab ang sunog sa Upper Bulelak, Brgy. Malanday sa Marikina City kaninang madaling araw

Kinilala ng Bureau of Fire Protection – National Capital Region (BFP-NCR) ang mga nasugatan na sina Rhoan Javier, 24-taong gulang na hinihinalang may bali sa tadyang at Orlando Santos, 56-taong gulang na nagtamo ng galos sa kaliwang binti.

Pinakamalala ang inabot ni Juvie Javier, 56, na nagtamo ng sugat sa ulo at dumaraing din ng pananakit ng likod, pamamaga at sugat sa paa na posibleng resulta ng pagkabali ng bukong-bukong.

Batay pa sa ulat ng BFP, ala-1:40 kaninang madaling araw nang sumiklab ang sunog na umakyat lamang sa unang alarma bago tuluyang naapula dakong alas-2:45 ng madaling araw.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng BFP hinggil sa naging sanhi ng sunog at kung magkanong halaga ng pinsala ang iniwan nito.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us