4 na pulis na sangkot sa insidente ng pagtataksil na nauwi sa barilan sa Laguna, sinibak sa pwesto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ni-relieve sa pwesto ang apat na pulis na sangkot sa insidente ng pagtataksil na nauwi sa barilan sa Laguna.

Matatandaang naaktuhan ng dalawang pulis ang kanilang mga asawang pulis din na nagtatalik umano sa nakaparadang sasakyan sa parking lot ng isang mall sa Calamba, Laguna noong Abril 25.

Tinangka pa umanong tumakas ng magkalaguyong pulis at akma pang sasagasaan ang kanilang mga asawa, subalit nabaril ng lalaking pulis ang gulong ng sasakyan ng kanyang misis.

Tumalon sa sasakyan ang lalaking pulis at akmang tatakbo subalit nabaril naman ito ng kanyang asawang pulis, at tinamaan sa balikat.

Nakatakas sa lugar ang misis ng isang pulis at pinatakbo ang sasakyan kahit flat na ang gulong.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief Colonel Jean Fajardo, nasa restrictive custody na ngayon ang tatlong pulis at sasailalim sa pre-charge investigation, habang ang isang pulis na nabaril ay nasa hospital arrest.

Nauna nang sinampahan ng kasong adultery at concubinage ang dalawang pulis na magkalaguyo. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us