Idineklara ng 433 barangay sa Palawan bilang persona non grata ang New People’s Army.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng 3rd Marine Brigade sa ilalim ng Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WESCOM).
Ang naturang inisyatiba ay isang manipestasyon ng hindi pagsang-ayon ng mga lokal na residente sa mga maling ideolohiya ng kilusan.
Tiniyak naman ng WESCOM ang kanilang buong suporta sa mga lokal na komunidad na napalaya mula sa impluwensya ng mga teroristang komunista.
Inenganyo din ng WESCOM ang mga nalalabing miymebro ng teroristang grupo na samantalahin ang amnestiyang alok ng Pangulo, at magbalik-loob na sa pamahalaan. | ulat ni Leo Sarne
📷Courtesy of WESCOM