Simula mamayang gabi, makakaranas ng water service interruption ang ilang barangay sa lungsod Quezon hanggang ika-29 ng Abril.
Sa abiso ng Maynilad Water Services, bunsod raw ito ng isasagawa nilang pressure test sa mga linya.
Apektado ng kawalan ng suplay ng tubig ang Barangay Bungad at Veterans mula mamayang alas-10 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga, Abril 23.
Muli pang mauulit ito ng katulad na oras kinagabihan hanggang kinabukasan ng Abril 24.
Abril 24 ng gabi naman hanggang kinabukasan ng Abril 25 mawawalan din ng suplay ng tubig ang Barangay Maharlika at NS Amoranto
Sunod ang Barangay San Agustin at Nagkaisang Nayon mula gabi ng Abril 25 hanggang umaga kinabukasan, Abril 26.
Mawawalan din ng suplay ng tubig mula gabi hanggang umaga ang barangay Sto. Domingo mula Abril 26 hanggang Abril 28 at Barangay Don Manuel at Doña Aurora mula Abril 28 hanggang Abril 29.
Ngayon pa lang pinapayuhan na ng water company ang publiko na mag-imbak ng tubig. | ulat ni Rey Ferrer