Nagsagawa ng aeromedical evacuation ang Armed Forces of the Philippines Western Command (AFP-WESCOM) para sa isang residente ng munisipyo ng Kalayaan, Palawan na may maselang kondisyon sa puso.
Sa pamamagitan ng NV312 plane ng Philippine Navy, ay mabilis na nadala ng mga tropa ang pasyente na si Angelita Pasco sa Puerto Princesa City mula sa Pag-asa Island, para sumailalim sa “specialized medical intervention.”
Isinagawa ang nasabing misyon nina NV312 Pilot-in-Command Lieutenant Roema Angela Marcelo at kaniyang crew katuwang ang aeromedical team na pinangungunahan ng flight surgeon na si Col. Rachelle Judilla.
Tiniyak ng WESCOM na lagi silang handang umalalay sa mga mamamayang nangangailangan ng tulong, hanggang sa pinaka-liblib na lugar sa kanilang nasasakupan. | ulat ni Leo Sarne