Nagpasalamat ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Estados Unidos sa patuloy na suporta sa pagpapalakas ng kanilang kapabilidad.
Ito ang ipinaabot ni AFP Vice Chief of Staff Lt. Gen. Arthur Cordura kay U.S. Marine Corps Forces Pacific (MARFORPAC) Commander LtGen William Jurney sa pagbisita ng huli sa Camp Aguinaldo kahapon.
Naging sentro ng pag-uusap ng dalawang opisyal ang Balikatan 2024 exercises, kung saan tumatayong U.S. Exercise Director si Lt. Gen. Jurney.
Dito’y binigyang diin ni Lt. Gen. Cordura ang kahalagahan ng Baliktan exercise bilang pagkakataon para mapahusay ang
interoperability, readiness, at response capabilities ng magkaalyadong pwersa.
Kapwa tiniyak ng dalawang opisyal ang commitment ng kanilang mga pwersa na palakasin ang kooperasyon sa pagtugon sa patuloy na nagbabagong situasyong panseguridad sa rehiyon. | ulat ni Leo Sarne
📷 Photos by Pfc Carmelotes/PAOAFP