Ipinag-utos ngayon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan, Coast Guard Fleet nila na ihanda ang anim na barko para lumahok sa 39th Iteration ng annual “Balikatan Exercise” na gagawin sa Lunes, April 22 2024.
Ayon kay PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, ito ang kauna-unahang pagkakataon na sasali ang Coast Guard sa “Balikatan Exercise.”
Kabilang sa mga gagamitin ng PCG sa Balikatan Exercises ay ang apat na 44-meter multi-role response vessels at ang dalawang malaking patrol vessels na regular na ginagamit sa maritime security operations ng exclusive economic zones ng bansa.
Inatasan na rin ng PCG ang mga myembro ng Coast Guard Special Operations Force na lumahok sa joint interoperability exercises.
Maliban sa PCG, lalahok din ang Philippine Navy at kanilang mga counterparts mula Australia, France at U.S. | ulat ni Michael Rogas