Walang plano ang bagong-upong Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Rommel Francisco Marbil na magpatupad ng balasahan sa mga opisyal ng PNP.
Sa kanyang unang pulong balitaan sa Camp Crame, sinabi ni PGen. Marbil na kung wala namang kasalanan ang isang opisyal walang dahilan para palitan ito sa pwesto.
Dagdag ni PGen. Marbil, posibleng makalikha ng “instability” sa mga unit ang pagbalasa ng mga opisyal.
Nagpahayag naman ng paniniwala si PGen. Marbil, na dapat na bigyan ng pagkakataon na magbago ang mga pulis na nagkaroon ng pagkakamali o pagkukulang. Pero kung hindi parin magbago, dito na aniya niya gagawin ang nararapat. | ulat ni Leo Sarne