Balasahan sa ilang opisyal ng PNP, ipinatupad

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpatupad ng balasahan sa kauna-unahang pagkakataon ang bagong liderato ng Philippine National Police (PNP) sa ilang matataas na opisyal nito.

Salig sa kautusan ni PNP Chief, Police General Rommel Francisco Marbil, itinalaga nito si Police Brig. Gen. Ronnie Francis Cariaga bilang bagong pinuno ng PNP Anti-Cybercrime Group.

Pinalitan ni Cariaga si Police Maj. Gen. Sidney Hernia na nauna nang itinalaga kahapon bilang pinuno ng Directorate for Personnel and Records Management.

Samantala, itinalaga naman bilang Acting Regional Director ng Police Regional Office 11 o Davao si Police Brig. Gen. Aligre Martinez kapalit ni Police Brig. Gen. Alden Delvo.

Habang si Police Col. Aden Lagradante naman ang uupo bilang Officer-In-Charge ng PNP Command Center sa ilalim ng Directorate for Operations kapalit ni Cariaga.

Nakasaad sa dokumeno na epektibo ngayong araw, April 26 ang appointment sa mga nabanggit na opisyal ng Pambansang Pulisya.

Magugunitang sa kaniyang pag-upo sa puwesto, sinabi ng PNP chief na hindi siya magpapatupad ng malawakang balasahan maliban na lamang kung may mabigat na dahilan para gawin ito.  | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us