Malapit din ang nangyaring sunog sa Paco Catholic School kung saan tinupok din ito ng apoy.
Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), dakong alas-8:02 ng gabi nang ideklara ang unang alarma sa naturang sunog. Bandang alas-8:37 ay itinaas na ito agad sa ika-limang alarma. Alas-10:28 naman ng gabi ay fire under control na ang sunog at bandang alas-1:26 ng madaling araw ay naapula na ng mga sumugod na fire volunteers ang naganap na sunog.
Wala namang naitalang casualty ang mga awtoridad sa naganap na insidente.
Hindi pa tuluyang naaapula ang sunog sa Paco ay isang sunog pa ang naganap sa Philippine General Hospital (PGH) sa Maynila pa rin bandang 11:13 ng gabi na agad din namang naapula bandang 11:27 kagabi.
Nagresulta ito sa pansamantalang paglikas ng mga pasyenteng malapit sa nangyaring sunog.
Noong nakaraang buwan lamang sumiklab din ang isang sunog sa loob ng PGH compound. | ulat ni EJ Lazaro