Nagpasalamat si Bicol Saro party-list Representative Brian Raymund Yamsuan sa natanggap na pagkilala mula sa RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) bilang “Outstanding Public Servant” para sa taong 2023.
Tumanggap din ng award o Laurel trophy ang mambabatas dahil sa kanyang dedikasyon na ihatid ang tulong ng gobyerno sa komunidad partikular sa mga marginalized sector.
Ayon sa RPMD, sa pamamagitan ng pagbabago ng party-list system at “personalized approach” sa public service ni Yamsuan, nakagawa ito ng makabuluhang pagbabago sa buhay ng marami — isang benchmark sa klase ng pamumuno sa Pilipinas.
Ayon naman sa party-list solon, magsisilbing inspirasyon ang natanggap na award sa kanyang pagseserbisyo hindi lamang sa mga Bicolano maging sa mga ibang mga kababayan.
Maliban kay Yamsuan, tumanggap din ng award si House Majority Leader Mannix Dalipe maging sila Speaker Martin Romualdez and Tingog Party-list Rep. Yedda Marie Romualdez ay ginawaran na bilang Outstanding Public Servant ng RPMD. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes
📷: Cong. Brian Yamsuan FB