Pinuri ni Finance Secretary Ralph Recto ang dalawang big-ticket power project na magdadala ng reliable electricity supply sa bansa.
Ginawa ni Recto ang pahayag sa ginanap na Green Lane Awarding Ceremony para sa Prime Infrastructures Two Storage Power Projects.
Sinabi ng kalihim, ang nasabing proyekto ay mahalagang bagay upang makamit ang inclusive economic prosperity.
Ito ay ang Pakil Pumped Storage Power Project sa Laguna at Wawa Pumped Storage Power Project sa Rizal na makatutulong sa hangarin na palakasin ang renewable energy sa power generation mix mula 21 percent noong 2020 to 35 percent sa taong 2030, at 50 percent sa 2040.
Ang Pakil Pumped Storage Power Project ay nagkakahalaga ng $5.03 billion dollars na dine-develop ng Ahunan Power Inc. na may storage capacity na 14,000 megawatt-hours (MWh) per day at inaasahang makakapag-generate ng output capacity na 1,400 MW.
Ito ay inaasahang magiging largest pumped storage power plants sa Asia.
Habang ang Wawa Pumped Storage Power Project na dinevelop ng Olympia Violago Water Power Inc. (OVWPI) na nagkakahalaga ng $2.57 billion dollars ay inaasahang makakapag-generate ng output capacity na 600 MW sa storage capacity na 6,000 MWh per day.
Ang parehong proyekto ay inaasahang magiging operational sa taong 2030. | ulat ni Melany Valdoz Reyes