Inihayag ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na patuloy ang pagdami ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng mga motorsiklo sa Metro Manila.
Batay sa datos ng MMDA-Road Safety Unit, nasa mahigit 20,000 ang naitalang motorcycle-related road crash noong 2022 at lumobo pa ito sa mahigit 30,000 noong 2023.
Habang mahigit 4,000 naman ang bilang ng aksidenteng sangkot ang mga motor mula Enero hanggang Marso ngayong taon.
Ayon sa MMDA, upang matugunan ang problemang ito at maisulong ang disiplina sa lansangan sa mga motorcycle rider binuksan ng ahensya ang Motorcycle Rider Academy sa Pasig City.
Sa ngayon, libo-libo na ang naturuan at patuloy na tinuturuan ng MMDA Motorcycle Riding Academy para sa mas disiplinadong pagmo-motorsiklo.
Sa mga interesadong matututo nang tamang pagmo-motorsiklo, maaaring magtungo sa tanggapan nito sa Doña Julia Vargas cor. Meralco Avenue o mag-enroll online.
Nakaangkla ito sa layunin ng MMDA na mas maging disiplinado sa kalsada ang mga motorcycle rider sa ilalim ng Bagong Pilipinas. | ulat ni Diane Lear