Walang epekto sa biyahe ng mga pasahero ngayong ikalawang araw ng tigil-pasada ng grupong PISTON sa Pasig City kung saan matatagupuan ang kanilang headquarters.
Ito’y dahil sa tuloy-tuloy ang pamamasada ng mga jeepney kung saan, karamihan sa kanila ay pawang consolidated na.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas sa mga ruta ng PISTON sa Pasig City, walang namataang problema sa mga pampublikong transportasyon.
Ilan sa mga ito ay mga rutang Pasig-Pateros, Pasig-Quiapo, Pasig-Crossing at Pasig-Bagong Bayan.
Ang siste pa nga, mas mahaba pa ang pila ng mga pumapasadang jeepney kaysa sa mga pasahero.
Sinabi naman ng ilang mga driver na mIyembro ng PISTON, bagaman kaisa sila sa panawagan sa pagbasura sa PUV modernization, kinakailangan nilang bumyIahe para sa kanilang pamilya.
Samantala, kung kahapon ay sa Caruncho Avenue pumuwesto ang PISTON, may ilan silang mga miyembro na dumiretso sa Liwasang Bonifacio para doon magsagawa ng programa. | ulat ni Jaymark Dagala