Mahigpit pa ring binabantayan ng PHIVOLCS ang aktibidad ng Bulkang Taal kasunod ng muling pagbuga nito mataas na antas ng asupre.
Sa inilabas na bulletin ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umabot sa 9,311 na toneladang volcanic sulfur dioxide (SO2) gas o asupre ang inilabas ng Bulkang Taal.
Nananatili rin ang upwelling ng mainit na volcanic fluids sa Main Crater Lake.
Ayon sa PHIVOLCS, naobserbahan rin ang katamtamang pagsingaw sa bulkan na may 1,200 metrong taas at napadpad sa timog-kanluran.
Sa kabila nito, walang naitalang volcanic tremor sa Bulkan.
Nananatili pa rin sa Alert level 1 ang Bulkang Taal. | ulat ni Merry Ann Bastasa