Huli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration ang isang Chinese national na wanted sa Beijing dahil sa human trafficking.
Kinilala ni Immigration Commssioner Norman Tansingco ang naharang na pasahero na si Tong Jialong, 35 anyos na papuntang Shanghai.
Paliwanag ni Tansingco na ang identity ni Jialong ay nagkaron ng hit sa BI Interpol derogatory system kung saan lumalabas may subject for red notice ang nasabing Chinese national.
Sa kabila nito ay pinayagan paring makaalis papuntang shanghai subalit naimpormahan na ng BI ang Chinese police hinggil dito.
Ayon kay BI-Interpol acting chief Jaime Bustamante, arestado agad si Tong pagdating nito sa Shanghai kung saan nakaabang ang mga Chinese police. | ulat ni Lorenz Tanjoco