Inihahanda na ng Commission on Election ang ipadadala nitong komunikasyon sa Office of Solicitor General para maghain ng motion for reconsideration sa Supreme Court kaugnay sa desisyon nito para makasali sa mga susunod na bidding ang Smartmatic.
Ayon kay Comelec Chairperson George Erwin Garcia, kakausapin nila ang SolGen para sila ay katawanin sa nasabing isyu.
Sabi ng Korte Suprema, nagkaroon ng ‘grave abuse of discretion’ ang Commission on Election nang i-disqualify nito ang Smartmatic sa bidding para sa 2025 election.
Sa desisyon ng En Banc, hindi daw dapat agad diniskwalipika ang Smartmatic dahil wala pa naman sa panahon ng bidding nang mag-desisyon ang poll body.
Pero naninindigan ang Comelec na dapat ma-disqualify ang Smartmatic dahil sa pagkakasangkot nito sa suhulan noong 2016 election. | ulat ni Michael Rogas