Nagdagdag pa ng mga tauhan ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lugar kung saan isinasagawa ang ikalawang araw ng tigil-pasada ng mga grupong MANIBELA at PISTON.
Ayon kay MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes, personal niyang binabantayan ang sitwasyon mula sa kanilang Inter-Agency Monitoring and Command Center.
Sa kasalukuyan aniya ay wala pa rin silang namo-monitor na anumang lugar na naparalisa ng naturang aktibidad.
Gayunman, sinabi ni Artes na nananatiling naka-standby ang nasa 362 rescue vehicles ng ahensya katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, lokal na pamahalaan para alalayan ang mga pasahero.
Bukod pa ito sa pagmamando ng trapiko partikular na sa mga lugar na pinagdarausan ng mga aktibidad kaugnay ng tigil-pasada. | ulat mo Jaymark Dagala